Certified for Shit-Control Act o Batas Igit-Pigil

Ika-16 ng Marso 2009, Lunes ngayong araw. Nangyari na naman ang dating nangyari.

.
.
.
Na-ta-ta . . .
.
.
Hep, hep, hep. . . Babala muna.

Babala: Ang bagong post-entry sa Literantado ngayon ay sadyang maselan at di kaaya-ayang mabasa. Sigurado naman makaka-relate ka dito kung hindi ka nagbaon ng wet-tissue, soft tissue, plastic bag, diatabs, Gatorade?, pad paper, papel de hapon o kahit anong pedeng pampunas sa wetpaks.

—————————————————————————

Ang Istorya

Kahapon, gabi, enjoy na enjoy akong lumalaklak ng Coke Zero, libre ni pinsan. Kinabukasan n’on, alas-7 ng umaga ang pasok, at hindi ako makatulog dulot ng caffeine sa Coke Zero. Hindi ako natulog, alas-4 na ng umaga ngayon araw, mag-hahanda na ako para pumasok, maaliwalas ang aking pakiramdam kahit pa hindi pa hindi ako natulog, presko kasi bagong ligo lang.

Unang klase ko, Masaya naman, may talab pa rin yung caffeine sa Coke Zero na ininom ko kagabi. Dilat pa rin mata ko, parang adik, mukhang sabog. At isa pang kasiya-siya, nagawa ko yung aktibidad sa pag-po-program ng nakakatamad na Visual Basic 6. Medyo kinalaunan, kaparabagang nauutot ako. Sige uutot lang ako, pakiilam ko ba sa katabi kong babae, e kahit maamoy nung katabi kong babae, ok lang since pinakokopya ko naman siya ng Programming Activity, wala siyan angal (kundi ‘di ko siya pakokopyahin). Sigh. Utot lang naman yun eh. . . utot lang naman . . . ssSss . . . akala ko ba utot lang? Amf@#$ medyo may laman yun ah. Tang!@, masama ‘to! Di ko alintana, napagtanaw ko kahapong gabi pala – nakalahati ko palang inumin yung 2.0 litro ng Coke Zero. Kaya pala, nasusuka ang wetpaks ko. Arrrghhh.

Gusto ko na umuwi nang mga oras na iyon, ngunit may long quiz pa mamyang alas-1:00 ng hapon. E, alas-8:00 pa lang ng umaga ngayon at nasa klase pa ako. Heto na ang tamang oras para sundin ang batas. Ang Batas Igit-Pigil o Shit-Control Act. Sabi ko sa matapang kong katauhan, KAYA KO TO!

Tumagal-tagal pa ang Batas Igit-Pigil. 10:00 na ng umaga. Ipinaalam ko na ito sa mga kabarkadang kasama ko. Suggest ng isa “mag-CR ka na dun sa 5th floor, (sa hallway ng mga Nursing Student, LPU)”, sabi ko “AYOKO, di ako sanay na TUMATAE sa ganitong establishment!”, tae, TAENG-TAE na talaga ako, parang may-washing machine sa loob ng tiyan ko, umiikot ang mga kinain ko, minsan gustong lumabas, minsan minu-minuto nawawala.

Sabi ko sa isa kong kasamang si Boy Punat, samahan mo na lang ako ng SM Manila, may bibilhin akong libro (sa katotohanan, balak ko sana dun tumae, para malamig). Punta kami, bili ako ng soft-tissue roll sa Watson (hanep sponsor), at eto ang plano, pag-umihi ako at nawala, solve na ang problema, pero kung hindi at nagmamatigas pa rin ako sa nasusukang wetpaks ko, tutuloy ko na ito sa kabila ng maraming nag-c-CR sa SM Comfort room. Umihi at nawala ang bomba sa tiyan. Sa wakas.

Balik kami ng school, mag-11 na, naki-seat-in ako sa klase nila, kasi Vacant time ko. ABA! Parang Trojan Virus pala ‘tong bombang ‘to, may schedule talaga kung kalian sasabog oh! OMG, balik BATAS IGIT-PIGIL ULET.

Sobra na ‘di ko na kaya! Gusto ko’ng ipagsigawan sa nakapaligid sa akin na na-ta-TAE talaga ako. Hindi siya masarap sa pakiramdam, seryoso!

Nag-tanong si Boy Punat kung bakit . . .

ano-ang-nararamdaman-ni-bush-sa-larawan-photo-courtesy-of-johnseilerblogscom
Photo Courtesy of johnseilerblogs.com.

. . . hitsura ko. Sabi ko nahihilo lang ako kasi ‘di ako natulog which is totoo. Nag-alibi pa ako, e alam naman niyang nata-TAE ako! Yumukob na lamang ako sa seat para di ako mag-mukang Bush. Swerte at mabait ang Propesor nila at hinayaan lang akong yumukob at mag-kunwaring tulog.

Lumipas ang oras, nakayanan ko, sa wakas, oras na ng huli kong klase, quiz time na. Tinapos ko lahat-lahat, sa kabila nang nagtatanong na mga katabi ko sa sagot sa quiz, di ko masabi ng maaayos ang mga tanong nila, aba bulgaran kopyahan ba? Sagot lang ako ng sagot ng ganito – “Nahihilo ako, nasusuka na nga e. . . (with mapungay eyes)” (DRAMA! Pero medyo totoo iyon, na-ta-TAE na talaga ako! Nahihilo na ako kakaisip kung paano ko pipigilin ito!). Shame on me! Bakit ko ba kasi pinigil ito, para akong BATA! Nag-pipigil ng TAE!

T_T

Nauna na ako mag-pasa ng papel, at nag-paalam sa Prof. ko, sabi ko na nahihilo na talaga ako (alibi). Uwi ako, bilis mag-lakad grabe, napansin iyon ng iba kong kaklase, wala na ako paki-ilam sa sasabihin ng masasalubong ko sa daan (mukha kasi ako snatcher na tumatakbo sa ninakawan, nung mga oras na iyon).

T_T

Nakasakay na ako, grabe, walang nagbago sa Taft Avenue, traffic, expected ko ‘to TRAFFIC. Umuutot ako habang umaandar yung jeep para ‘di marinig ng mga katabi ko, yung utot sabay dun sa tunog na BROOM, BROOM, BROOOM ng jeep. Kahit naman maamoy nila utot ko, di nila mapapansin since mausok at mabaho yung dinadaanang kalsada ng jeep. Kahit ano namang lugar sa gilid-gilig ng Maynila, maalingasaw, totoo naman talaga e.

Assumption ko sa mga pasahero ng jeep:

Pasehero: “Asan ba yung trak ng basura? Ba’t ang baho?”

Isang oras ang biyahe ko. Y_Y. Hanggang sa makauwi ako ganoon lamang ang siste. Pag-pasok ng bahay, direcho sa inidoro at nagpapasalamat ako at merong Shit-Control Act na imbento ko lang. IMBENTO KO LANG! Huwag na kayo maniwala dito, ako lang nakakagawa nito.

Kabisado ko kasi ang sikmura ko kaya CERTIFIED Shit-Control Being ako.

Dagdag na kaalaman

—————————————————————————

Ano ang Shit-Control Act o Batas Igit-Pigil?

Shit-Control Act

Right of a person to control the extraction of soilee excrement from his/her body. Shit-control occurs in times of sudden undesirable moment.

(isina-tagalog)

Batas Igit-pigil

Karapatan ng tao na pigilin ang pag-tae. Ang pag-pigil na ito ay nagaganap sa di inaasahang pagkakataon.

—————————————————————————

Dagdag na Panuto : Balikan ang blog-entry na ito kung na-tatae ka, kung na-tatae ka na, pigilin ito. Kapag napigil mo na, punta ka sa PC mo, at basahin ang nasusulat dito, ulit-ulit. Bakit? Para san pa? Para ma-ramdaman mo at tipong makatotohanan talaga ang mga nangyari sa blog na ito habang nagbabasa ka.

Advertisements

15 Tugon

  1. nakaka inspire ung kwento mo hahha..grbe…

    narasan ko n rin yan..nung nasa grade school ako …sbi ko sa teacher ko “mam pwede po bang umabsent,? sabi ng teacher “bakit ?” sagot ko “masakit po ulo ko” tapos ang hitsura ko namumutla na…hahaha… kaya naman pinayagan agad ako…haha…dali dali ako sa pag uwe..tapos yun diretso sa inidoro ang bida tapos…BOOOM sabog…HEAVEN sa paki ramdam…hahaha…kaya sa mga tulad natin…GOOD LUCK na wag abutin sa short o pants…hahahah

    ——————————————————————

    sagot ko “masakit po ulo ko” tapos ang hitsura ko namumutla na…hahaha…

    Otakore Literantadodist : Hindi ko na-i-imagine na namumutla ka sa ikin-kwento mo, dahil sa araw-araw na nakikita kita sa klase, e muka kang hapit na kalansay, wala ka ‘atang dugo eh? (joke).

    ——————————————————————

  2. tsk tsk nagpahirap ka pa kung sinabi mo sakin yan sinamahan kita sana sa 5th floor heaven instead bigla umalis sa klase ng maaga nag 1hr trip habang madami lumalabas sa muffler mo pag naranasan mo ang 5th floor hahanap hanapin mo…..btw sinu pla si boy punat XD

    ———————————————————–

    Otakore Literantadodist : Pasensya na, di kasi ako sanay sa maduduming INIDORO sa labas eh. Hahaha. Next time na lang siguro kapag umatake ulit unexpectedly, paki-karamayan ninyo ako ha.

    btw sinu pla si boy punat XD

    – Sikreto na iyon, nirerespeto ko ang kanyang Privacy.

    ——————————————————————

  3. bakit igit-pigil? ano ang igit? jebs ba ito sa ibang lwnggwahe, o imbento mo lang rin.

    ang galing mo namang magpigil. hindi ka ba anally fixated sa iba pang bagay? yung bang control-freak? sabi ito ni freud ha, (tama ba?) kapag ang bata masyadong maagang tinuran na magpigiol ng jebs, lumalaking anally-fixated control freak, yung mga obssessive-compulsive. : )

    —————————————————————–

    Otakore Literantadodist : Ang “Igit” ay salitang bisaya, ang ibig sabihin niyan ay yung taeng unti-unting lumalabas sanhi na hindi mo na ito kaya pang pigilan, yung parang tae ng kambing na paputol-putol ang labas. Hahaha. Nota: Hindi ako bisaya, nalaman ko lang yang salitang iyan nang tuksuhin akong umigit noong nasa elementarya pa ako (ibang istorya iyon), bisaya yung kaklase ko na iyon, kinonpirma ko rin kung ano ang salitang iyon sa kanya, kaya ko nalaman.

    ang galing mo namang magpigil. . . yung bang control-freak?

    – Hahaha, baka nga control-freak ako, pero wala akong OCD (Obsessive Compulsive Disorder) ah. Tama at magaling ako magpigil kaya nga’t naisabatas ko na iyang Shit-Control/Igit-Pigil. Hehe.


    ——————————————————————

  4. pare kailangan ko ng ganitong skill. pwede bang mag-seminar sa iyo?

    —————————————————————

    Otakore Literantadodist : Hahaha. Siguro hindi pa ako makakapag-seminar tungkol sa batas na ito, dahil bago pa lamang ito at bata pa, talagang bagong-bagong batas ito, fresh na fresh galing sa puwet ko. Actually, Bill pa lamang ito, in a seconds, daming bumoto at naaprubahan na kaagad ito bilang “Act”.

    Sa tingin ko’y kailangan pa ng dagdag na rebisyon sa batas na ito. Hahaha.

    —————————————————————

  5. seguro naman halos lahat tayo ay nakaranas na nito. nahihiya lang e kuwento. Ok ka talaga pre. natawa ako dito.

    ——————————————————————————-

    Otakore Literantadodist : Salamat sa compliment at sanay naunawaan ninyo ang aking kondisyon nung araw na nangyari iyan. Di siya biro, mahirap talaga ang dinanas ko, promise.

    Hindi ko na ikinahihiya yaang ikinwento ko sa blog na ito, ikinwento ko iyan para maging inspirasyon sa inyo. Hahaha.

    WARNING: Huwag ako gayahin. Masama iyan sa kalusugan. ^_^

    ——————————————————————————-

  6. ako’y bisaya – mula samar, guiuan. lilinawin ko lang ibig sabihin ng igit. ito ay salita namin mga waraynon. ang ibig sabihin ng igit tama si Otakore na iyon ay taeng unti-unting lumalabas pero basa o may kasamang tubig – iyon ang igit sa amon.

    —————————————————————————–

    Otakore Literantadodist : Salamat po sa karagdagang impormasyon at salamat sa pagbisita. ^_^

    Makakatulong iyan sa pag-rebisa ko sa Batas Igit-Pigil. Hahaha.

    —————————————————————————–

  7. natawa naman ako dun.

    may time din na nangyare saken yan…

    OO, inaasure ko na mahirap talaga… sobrang hirap.

    lalo na kapag alam na nga ng kaibigan mo na nagpipigil ka, kinakausap ka pa rin niya. Nang totorture. Mga sadista. LoL,,, tapos ga-butil na yung mga pawis… tapos nagkakaron pa ng chicken skin.,.

    WAaaaaaaaaaaaah~!

    ————————————————————————

    Otakore Literantadodist : Salamat sa pagbisita. ^_^ , dati-rati yung torture ng mga kaibigan ko sa akin kapag inaatake ako um-EBS – tinutusok nila yung tiyan ko, trip-trip nila, kaya naman may mga pasa sila sa katawan, pagkatapos ko jumebs.

    ————————————————————————

  8. wow profound hahahaha, actually ako naman, kahit saan hindi namamahay ang wetpaks ko. hindi ako sanay sa shit control. basta nasi – shit, go sa cr. ready ako sa gamit lagi. okay to ha, komportableng-kompartable tayo sa ganitong topic gaya ng pagiging komportable ko sa pagshit kahit saan! astig!
    added you na rin sa blogroll.

    ————————————————————-

    Otakore Literantadodist : Talagang komportableng-komportable at bagong tae ako no’ng isunulat ko ito nung araw na iyon. Tulad ng nasabi ko, sa huling mga kumento ko sa mga kumentador, ang blog-entry (shit-control act) na ito ay mag-sisilbing inspirasyon sa lahat ng mga nakabasa.

    Pero mas mainam na ilabas mo ang sama ng loob mo, kaagad-agad. Mas nakabubuti iyon sa kalusugan.

    ^_^

    Nota: Ang Shit-Control Act ay gawa-gawa lamang ng malikot na isipan ng may-akda, sanhi ng karanasang naidulot sa kanya noong araw na nangyaring nata-tae siya. Totoong nata-tae siya sa kuwento.

    Salamat sa pagbisita.

    ————————————————————-

  9. Haha! Nung isang linggo lang nangyari sa kin yan!

    Grabe papasok pa lang ako ng iskul, sa FX tapos biglang nagkruk-kruk tyan ko haha! Pagbaba ko ramdam ko namamawis na pwet ko sa pagpigil haha! 9am pa lang yun, nakauwi na ko 5pm haha!

    ————————————————————————-


    Otakore Literantadodist : Wow, certified for shit-control ka nga, natalo mo pa ako. Ako 6 hours ako nagpigil, ikaw 8 hours O_O .

    Salamat sa pagbisita.

    ^_^

    ————————————————————————-

  10. ako kaya ko namang sbhin ng maluwag sa mga kbgan ko.. hahaa.. komportable eh.. alangan namang itago ko! kung anu yung 22o.. mabute ng alam nila, para di sila OP. 😀

    anyway, pengeng help! 😀 thanks!

    ———————————————————————————-

    Otakore Literantadodist : Tama ka po diyan. Magandang sabihin ito, para may karamay ka sa pighati at mahapding nararamdaman. Note: Dinamayan ako ng mga kaibigan ko noong mga oras na nangyari iyang Igit-pigil sa akin, hindi nila ako tinawanan, mga “MABABAIT” silang kaibigan.

    ^_^ Salamat sa pag-bisita.

    ——————————————————————————————

  11. sa digital design ba ung last subj. mo? dapat cnabi mo sa amin para dinamayan ka namin sa 5th floor. masaya pa namin jumebs dun, kumpleto, may sabon at tabo pa, malakas pa ung tubig, may pambomba pa ng inodoro kung d mai-flush ung mala-footlong na jebs o kaya parang lugaw na jebs na may maliliit na kanin na parang champorado.. basta tol, naka2inspired yang blog mo.. kaso parang d ko yatang gawin yang shit control na yan eh.. hehe.

    —————————————————————————–


    Otakore Literantadodist : Salamat sa pag-bisita klasmeyt. ^^_

    ————————————————————————————

  12. hahaha ayos to ah.. sakatunayan nangyari na yan sa kin.
    pero masmalala, pumasok ako sa opisina na di ko pinansin ang milod diarrhea ko.. maya’t maya sya umaatake ng hilab sa tyan

    at yung tipong parang plema na nagpapatintero sa lalamunan. ganun ang poopoo na gumagalaw sa tyan ko. ramdam ko sobrang napaparusahan ako…

    at ginawa ko ang Shit-Control Act.. ginawa ko to
    hanggang 11pm hanggang maauwi,

    ang hirap pa naman mag-abang ng proj 2-3 naa jeep sa harap ng cityhall.. hayyy……

    malapit ka rin pala… intramuros ka rin? hehehe

  13. tama ka nga naman may karapatan pigilin yan pero d2 samen hindi uso ang batas na yan. sa lawak nga ba ng gubat d2 e problema nga lang kng may panlinis ka sa wetpaks mo kung hindi. Nag kamali ka ng hablot ng dahon patay ang wetpaks

  14. grbeh!!!!akalain moh yun!!!kinaya moh!!!!whooh!!!idol!!!

    ..naghahanap kc aq ng project nmin sa values educati0n,tpos yun,nclick q tong article mo,kala q talaga na BATAS NA NAAPRUBAHAN NG PANGULO!!!!grabe,,ico-copy and paste q na sana…heheh…

  15. @jason
    – nag-aaral kasi ako sa Liseo ng Pilipinas Yunibersidad.
    [^_^]

    @vlad
    – bakit patay ang wetpaks? Anong dahon ba ang sinasabi mo?

    @rhena mae tatad
    – hehehehehe. Sana na-copy-paste mo na ‘to para naging sikat ako sa klase mo. Hahaha. Pagpasensyahan mo na ang Blog na ‘to, salamat at napadaan ka. Balik ka ulit ha.

    [^_^]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: