Ang Pag-Labo ng Daanan

Marso 29, 2009. May isang pag-babago sa isang parte ng aking katawan. Hindi ako masaya.

Ngayon-ngayon lamang, pag-labas ko ng kalye para bumili ng ini-utos sa aking bilhin. Hindi ko akalain, pag-tanaw ko sa kalsadang dadaanan ko, malabo-labo na pala ang aking mga mata sa kabila ng pagiging taong-bahay dahil bakasyon ngayon. Sa pagbaba-Blog ko ngayon, malabo na nang kaunti ang nakikita ko sa screen ng CRT-Monitor ng PC, malinaw-linaw at nababasa ko pa rin naman ang mga letra rito, dahil maliwanag ito.

Kapag malayuan, malabo kong naaninag ang tinatahak ng paningin ko, pero kung malapitan, ok naman at normal.

BALAK: Napag-desisyunan ko mag-pagawa ng salamin sa mata sa by next week.

(This entry is just a blurb of my life; just a remark of my life; para maalala ko kung kailan lumabo ang mata ko.)

Advertisements

8 Tugon

  1. hala! ako, malabo rin talaga ang mata ko.
    kaya nga palagi akong nakaeyeglass.
    pagkagising sa umaga, hanap ko agad eyeglass ko at suot agad.

    ang hirap magkaroon ng malabong mata. nakakalungkot.

    ————————————————————————————


    Otakore Literantadodist : Epekto siguro ito ng kaka-kompyuter.

    Y_Y tama ka nakakalungkot nga. Hindi talaga ako masaya ngayon . . .

    ————————————————————————————–

  2. ako rin, gusto ko magsalamin
    kaso hindi ko lam kung papaaano sasabhin sa mgaulang ko
    nahihiya kasi ako eh.

    ————————————————————————–


    Otakore Literantadodist : Parehas tayo ng iniisip. Ako natatakot ako sabihin na mag-papa-salamin ako, expect ko kasi na sisigaw ng Mama ko –

    “HAYAN! KAKA-KOMPYUTER MO YAN E! (matching turo-duro)”

    Sa pag-isip-isip ko ngayon, may panlaban ako sa sasabihin niya: “Eh, ganoon talaga, ano ba COURSE (BSCS) ko? Hindi ko na kasalanan ‘to, epekto ito ng pag-aaral ko mag-damag mag-programming.”

    Tuloy ang plano ko sa pag-papagawa ng salamin. ^_^

    ————————————————————————-

  3. Another NOTE: Matagal-tagal na ring malabo ang aking paningin sa malayuan tingin. Ngayon lamang napag-tantong lumala.

  4. how sad
    paggawa na po ikaw ng salamin…
    tc

  5. mahirap… baka astigmatism laang yaan… =)

    ^-^ nang lumabo kasi yung mata ko… akala ko permanent na… tapos konting suot ng salamin, ayun, astigma lang daw…

    —————————————————————

    Otakore Literantadodist : Ah, sige po, tatanong ko sa espeyalista ‘pag nag-patingin ako kung ano ang nararapat na gawin.

    Matagal na rin kasing may kalabuan ang paningin ko.

    ———————————————————————-

  6. dati, gustung-gusto kong lumabo ang mata ko. minali-mali ko pa yung “test” ng tatay ko bago kami pumunta ng doktor. yung”E” nagiging “F” yung “M” nagiging “N”, kung anu-ano lang.

    pero ngayon, ayokong lumabo ang mata ko. sana madelay pa ng matagal na matagal na matagal na matagal….

    ———————————————————————————

    Otakore Literantadodist : Yung pinsan ko ganyan rin ginawa, kunwari pang hindi niya nababasa yung letter na pina-te-test sa kanya nung Ophthalmologist na doktor. Para sa kanya kasi, KEWL ang may salamin, pam-porma. ^_^

    Sa akin, matagal-tagal na rin malabo-labo paningin ko sa malayuang tingin. Ayaw ko lang na maging sagabal ito sa paglalakad ko sa daan (nakayuko ako maglakad dahil sa malabo yung naaaninag kong daan sa malayuang-tingin.).

    ————————————————————————

  7. apirrrr welcome to the club. hihihi. 😉

    ——————————————————————-

    Otakore Literantadodist : Nakasalamin ka rin? 😉

    ——————————————————————-

  8. Kawawa ka naman…dahil talga yan sa kumpyuter… POOR guy……
    dapat ksi may limitation…di yun pa bara-bara lng…
    tulad ng sbi ng iba ..nasa huli ang pag sisisi..

    cia nga pala…ako may salamin din….
    kaso yung tipong nakikita mo ung sarili mo pag tumingin ka…ahha

    ——————————————————————————–

    Otakore Literantadodist : Nyehek-hek-hek, corny. ^_^

    ————————————————————————–

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: