RESPONDE – akda ni Norman Wilwayco (Literantado’s Book Review)

—————————————————————————————————

responde

—————————————————————————————————

Detalye

Pamagat ng Akda: Responde
Ang may-Akda: Norman Wilwayco
Kategorya: Katha/Liberal/Lipunan/Karahasan/Erotic
Linggwahe: Tagalog
Akma sa Edad na: 19 – pataas
Limbag: pinoyXpress
Taon Ikinalat: 2007
Presyo: 250.00 pesos
(“nabili ko” sa mag:net store, 2nd Floor, Glorietta 4, Makati City)

Ibang Bilihan: mag:net
Bookay-Ukay
Bukswagen Experiments
Popular Bookstore

————————————————————————–

responde-noblea-ni-iwa

responde-front-cover

responde-back-cover

responde-by-norman-wilwayco

————————————————————————–

————————————————————————–

Kabuuan at Dagdag na Detalye :

Ang Responde ay nobela na sinulat ni Norman Wilwayco. Ang nilalaman ng akdang ito ay sumasalamin sa wangis ng buhay sa kailaliman ng ating lipunan. Ang ilalim ng lipunan na nag-kukumahog, at sanay sa buhay-kahirapan o normal nang nabubuhay sa buhay-kahirapan. Kaya naman karaniwang sa lugar ng istorya sa Responde ay sa tipong lugar ng mahihirap. Sa pagbabasa nito, masisilayan mo ang tipikal na buhay at pamumuhay at kung paano namumuhay ang tulad ng mga kapus-palad, adik, manyak, iskul-bukol, tikolero, iskwater, iskwater punk, aktibista, komunista, at iba pang klase ng tao na matutunghayan ninyo sa librong ito.

pasintabi-at-nilalaman-ng-responde

Partikular sa nobela ay anolohiya ng ibang akda ni Norman Wilwayco, excerpts sa iba niyang akda tulad ng “Mondomanila” na nagwagi sa Gawad Palanca (2000) sa ikalawang pwesto, at “Kahon” na nagwagi naman ng unang gantimpala sa Amado Hernandez National Award for Literature (1999).

Nahahati sa 12 na istorya ang Responde, nilalaman nito ang mga sumusunod at ma-igsing deskripsiyon bawat istorya :

1. Drug War : Mala-erotika sa panulat, istorya ng dalawang lovers na adik.

2. ASIN LIVE! : Napakinggan mo na ba ang ASIN? “Bago sila, wala ako. Nasaan ako, kasama mo.” – Iwa

3. Larawan : Taong mundo ang nag-sulat nito. May matutuklasan kang bagong “Urban Legend” tungkol sa mga nawawalang litrato, kaya mag-ingat na at bumasa.

4. Dangal : Guide para wumasak ng Dangal, isang paraan na mababasa sa Responde.

5. Kung paano ko inayos ang buhok matapos ang mahaba-habang paglalakbay. – Nagwagi ng ikalawang gantimpala sa Gawad Palanca (2000); isina-libro at isina-pelikula sa titolong Mondomanila. Ang gumanap na pangunahing aktor sa Mondomanila (2004) film si Marvin Agustin.

6. Dugyot : Istorya ng BASAG na buyer at runner. (maaari ninyo itong mabasa sa blog-site ni Iwa: http://absurdrepublic.blogspot.com/2005/08/dugyot.html)

7. Imat : Kuwento ito ng nilapastang Sisa.

8. Kahon : Nagwagi ang kuwentong ito ng unang gantimpala sa Amado Hernandez National Award for Literature (1999).

9. Mga Bagay na Wala Kami : Kuwento ng pamilyang dumanas ng TRAHEDYA.

10. Pulutan : Kuwento ni Doro, the man’s bestfriend/bestfood (see People for the Ethical Treatment of Animals (PETA)).

11. Tony Love Floren : Bumaliktad at nagbago ang buhay ng isa’t-isa. Tony and Floren story.

12. Trip Kong Lumipad : Love story, with “happy ending”. Dalawang magka-vibes na lalake’t babae nagtagpo sa isang remote State University na tumatanggap ng kakaibang enrollees.

————————————————————————–

————————————————————————–

Komentaryo at Opinyon :

Sa 4. “Dangal”

Tutol ako sa deskripsyon sa Average Student sa Dangal, Responde. Lagi ko kasing binabanggit sa mga kaklaseng humahanga sa akin sa quiz, minsan pupuriin nila ako – “Ang galing mo naman sa quiz, talino mo.”, sambit ko lagi “Di naman, average student lang ako”. Mukhang nag-collide ang deskripsiyon ko sa sarili ko sa pagiging Average Student nang mabasa ko ang deskripsiyon nito sa Responde. Sa Responde kasi, tipong siraugok ang mga studyanteng average na ini-represente rito. Sa tingin ko pananaw na ng may-akda iyon.

Sa 6. “Dugyot”

Libreng basahin ang istorya na ito sa Blog-site ni Iwa sa pooksasapot na ito : http://absurdrepublic.blogspot.com/2005/08/dugyot.html

Pagkakaiba ng runner, buyer, pusher, at user (bago mo basahin ang istoryang Dugyot sa Responde) :

“Runner”

ibig sabihin, taga-takbo, taga-bili. Kung may darating na kostumer na taga-labas, yung di taga-kanila, siya at ibang tulad niyang runner ang sumasalubong sa labasan.”

– Dugyot, Responde

“Buyer” – siyempre yung uto-utong inutusang bumili ng droga.

“Pusher” – taga-tulak ng Droga, imports and exports, and follows the law of supply and demand.

“User” – adik, ikaw?

Sa 11. “Tony Love Floren” :

Naalala ko ang mga sandaling nang mabasa ko ang nakasulat sa Responde, sa parteng I. Usapang Bugoy ng Tony Love Floren. Naka-relate ako ng kaunti. Uminom kasi ako ng Baygon noong Elementarya ako, trip-trip lang dahil gusto ko mamatay ng mga araw na iyon, nakakatuwang isipin ang mga ala-alang iyon, pasalamat ako, “odd things happen”.

“Hindi pag-inom ng lason ang solusyon para iwasan ang ilang mga nakakaasar na elemento ng lipunan.”

– Iwa
Tony Love Floren
VI. Lason Part 2: Ang Kuwento ng Kawawang Notebook

————————————————————————–

————————————————————————–

Pananaw

Nakita ko sa “Responde” ang samu’t-saring “deviances” karaniwan tulad ng pre-marital sex, kahambugan, pag-gamit ng bawal na gamot at iba pang epektus na bawal rin gamitin, at iba pa.

May pagkakatalong-isip ako sa “Responde”, may may-istorya akong partikular na ayoko bagama’t hindi ko matarok kung bakit hindi “happy ending” ang isang partikular na istoryang iyon na nabasa ko. Sadya man iyon o intensyunal, siguro’y pinapakita lamang nito ang maling kabihasnan na ginagawa ng Pinoy.

Ako’y umaayon sa liberal na panulat ni Norman Wilwayco sa “Responde”, bagamat may pagka-bastos talaga, kaparabaga namang pinatotohanan ng bawat estilo ng kaniyang panulat ang eksenang marahil totoo sa pisikal na mundo.

————————————————————————–

————————————————————————–

Konklusyon

Kahit pa ang ibang istorya sa “Responde” ay may kabastusan, naihahatid naman nito ang balak nitong ipahatid sa mambabasa. Kritikal ito sa mga konserbatibong mambabasa, bagama’t matutunan naman ng mga konserbatibong ito ang katotohan sa kalapagan ng ating lipunan.

————————————————————————–

————————————————————————–

Ang May-Akda ng RESPONDE

responde-ang-may-akda

Si Norman Wilwayco ay isang kwentista, nakatira sa Quezon City, tubong bangketa, nag-aral sa bahay, nagtapos sa kalye, pinalakad na magkaligaw-ligaw ng landas at magkaroon ng maraming karanasan.

—————————————————————————————————


Otakore Literantadodist, Literantado

Advertisements

17 Tugon

  1. bilang lang sa daliri ang tulad niyang magaling at mahusay maghabi ng kuwento – likas sa kaniyang pagkatao ang taglay niyang talento. salamat igan at naisipan mong ibahagi ito rito.

  2. hmmmm……parang gusto qng bumili ng book nya… 😛

    nice post 😛

  3. ang ganda ng librong yan. gusto ko bumili. RESPONDE ilalagay na kita sa aking listahan.. sus. wasak na naman wallet ko nito.. pero basta ba maganda okay lang…

    mabili ko sana ito..
    yung author, kakaiba siya ah…

  4. salamat sa oras mo at espasyo sa blog! wasak na wasak!

  5. ^ Walang anuman. ^_^ Mabuhay ang panitikang Pilipino.

    Mag-papaskil pa ako ng ibang Tagalog na aklat na aking lilitisin sa mga susunod na buwan.

    To Iwa: Ngayon lamang ako nakabasa ng ganitong klase ng aklat, liberal sa pagkakasulat. Salamat po at nabigyan kasiyahan ako ng aklat mo. At balak ko nang bilhin ang iba mo pang aklat.

    Isang Dagdag Impormasyon para sa mga Bibili: Kung balak ninyo mang halungkatin iyan sa mga bigating bookstore tulad ng National Bookstore at Powerbooks, mabibigo lamang kayo.

    Mabibili ninyo iyan sa mga maliliit na store na nakapaskil sa entry na ito. Minsan sa ibang store, may mura at mayroong sa iba ay mahal, desisyon na ng publisher iyon. Kailangan rin natin suportahan kahit papaano ang mga maliliit na store gaya nito.

    Sa Bookay-Ukay – 185.00php lang yang responde.

  6. nakakalungkot. walang bookay ukay sa baguio…

    ——————————————————————————–


    Otakore Literantadodist : Ah. Try mo kaya kontakin yung PopularBookstore na link sa blog-entry ko na ito, try ask them kung pede delivery or kung meron silang “Responde” book.

    Try mo rin basahin yung “Gerilya” na isa sa mga akda niya maaari mo mabili thru G-Cash, i-s-shipped/deliver nila yung libro sa address mo.

    Nanalo ang “Gerilya” ni Norman Wilwayco ng Grand Prize sa Gawad Palanca (2008) last year lang. Hindi ko pa nababasa. Pero libre siyang basahin, punta ka sa site niya sa AbsurdRepublic.

    Pero kung gusto mo talaga nung actual na libro ng Gerilya, pede mo siya mabili.

    Eto yung link ng shipping form para sa “Gerilya” the actual book:

    http://bookay.multiply.com/journal/item/134/GERILYA_by_NORMAN_WILWAYCO_ORDER_FORM

    ^Balak ko rin bumili niyan via G-Cash. Hindi ko rin matunton ang Bookay-Ukay e. ^_^

    —————————————————————————————

  7. puwede rin natin tanungin si NWILWAYCO o mag request sa kaniya kung saan pa ang ibang outlet ng kaniyang aklat. sa hindi ko inaasahan he commented one of my youtube stuff re The Most Ugly Voice –
    check out the link (http://www.youtube.com/watch?v=sut3MeKAQRE)

  8. Sa totoo lng ….hindi ko pa nababasa ang kahit sa alin mang libro n likha ni wilwayco…pero ayon sa isang mapagkakatiwalaang source maganda daw ang nilalaman nito at tiyak na mag eenjoy ka daw…

    hahah…(wala lng)

    Gusto ko ring makabasa ng mga sinulat nia…pero ayaw kong bumili…(walang KWARTA!!!)

    Magagawa ko lng ito kung ipapahihiram ng ating mabuting blogger ang kanyang kopya(next sem)LOL

    Interesado tlga ako..hahaha lalo na at cnbi nia na ….

    yung lng…

    ————————————————————————————-

    Otakore Literantadodist : Barat mo naman, asa ka pa kung mahagilap mo ako next sem. , makikihalo ako sa ibang seksyon. Mahirap na ako makita ngayon. Hindi ninyo ako makikilala, may salamin na kasi ako. LOL. ^_^

    ——————————————————————————–

  9. hello there okatore!

    salamat sa pagdalaw sa aking blog! hehehhe… hindi po ako taga-lyceum… nagwo-work na po ako! hehhhhe 😀 again, salamat sa pagdalaw at pagsusulat ng comment!

  10. ayos tong librong to

  11. tol puntahan nyo to. crazy…

    http://tunaynalalake.blogspot.com/

  12. Hahaha.

    Salamat.

    Nakakatawa po ‘yang Blog na nirekomenda ninyo, the best.

    Wasak na Wasak!

    http://tunaynalalake.blogspot.com/

  13. tol pwede ko ba malaman email mo? meron ka bang gmail?

    _______________________________________________________

    Otakore Literantadodist : Salamat sa inbitasyon.

    ___________________________________________________________

  14. Nabasa ko ang harem.. yung style nga ng pagsulat ay lantaran o realidad pero sa kabilang banda, parang namumulat ka rin sa katotohanan.. Na pinakita niya ng hubot hubad ang kanyang sarili (not literaly) like oblation in up.. Siguro siyempre, dahil sa yun ang kapalaran nya nung maliit pa siya.. Nagpadala lang siya sa agus ng buhay, na kung ano ang nakakarami eh yun ang sundin… Pero siyempre ang mali ay huwag natin gawin.. Pero Pagmumulat na rin sa atin kung ano yung totoo na nagpreretend pa tayo na hindi natin nakikita… Na mundo natin eh sick talaga, siguro gs2 lang niya eh change ang kadugyutan natin.. Pero me nabasa me na libro, na kng gus2 mo mabago ang mundo, simulan mo sa sarili mo.. maging modelo ka.. =)

  15. tol kalabisan bang ipa-rebyu yung pdf ng bagong nobela gerilya?

    ___________________________________________________________

    Otakore Literantadodist : Kasalukuyang pong nasa pahina 64 ako sa e-book version ng Gerilya. Makaka-asa’t gagawan ko ito ng rebyu sa darating na linggo at iba pang Pilipinong akda na kasalukuyan ko ring binabasa.

    ________________________________________________________________

  16. SHABU TAYO

  17. Mga Kasama!
    Kumusta?

    Tanong ko lang kung pwede na bang i download ang PDF copy ng Responde?

    Nakakaexcite na kasi.

    Highly recommended lahat ng obra ni NW. Ibang klaseng shit nga! haha.

    at isa pa, yung Kampus, kelan ito ililimbag?
    Panalong panalo din ito.

    At pang huli mga kasama, malas lang ng hindi makakabasa sa mga obra. Mula sa MondoManila > Gerilya > Kampus > Harem > Chesapeake…. Nagpapasalamat ako at nabuhay ako sa panahon ni Tony..Muling nabuhay ang Übermensch sa sarili ko!

    Bwahahaha!

    Salamat dito sa blog, kay Tony,sa absurdrepublic, sa TNL, sa boss kong walang pinapagawa kaya nakakapagbasa ko sa opisina, kay Norman…

    Digs na digs!

    Sana makilala ko kayo sa personal.

    -WASAK!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: