Hayden Kho Binuhusan ng Tubig sa Senado (w/ Streaming Video). UPDATED! Sagot ni Abner Afuang sa Pambubuhos ADDED!

Ang bidyo sa ibaba ay mula sa GMA Breaking News. Kaninang hapon ng 3:49 PM. (May 28, 2009). Si Hayden Kho ay humarap ngayong Huwebes sa Senado para sa isang inquiry ukol sa kumakalat na sex video ng iba’t-ibang celebrity kinasalamuha niya. Sa hindi inaasahang pangyayari, mistulang nagkaroon ng scandal sa Senado, bakit? Bidyo sa baba . . .

_________________________________________________________________________

Courtesy of GMA Breaking News. Original video here.
_________________________________________________________________________

Ang nagbuhos ng tubig ay kinilalang si Abner Afuang na isang dating pulis. Ano ang dahilan kung bakit niya nagawa ang ganoong akto?

^ Sa totoo lang wala akong balak i-blog ang naturang isyung ito o makigaya sa ibang bloggers na nagsusulat ng kanilang opinyon tungkol sa iskandalong kinahaharap ng dalawang celebrity. Hindi na kasi bago yan e, lumala lang yung isyu kasi kilalang celebrity yung sangkot sa iskandal. Sa katotohanan marami-rami na rin akong napanood na bidyo-iskandal na nagkalat sa cyberspace na ‘di ko malaman kung alam ba nung tauhan sa sex bidyong iyun na kumakalat ito at nakamit na ba nila yung hustisya sa kabila nun?

Ngayon, siguro makikisingit na rin ako sa pag-ba-blog nito katulad ng karamihan (sabihin na nating naiinggit at naeengganyo lang ako makigaya sa pagba-blog nung naturang isyu). Nagulat kasi ako na natawa sa napanood kong flash news sa TV ngayon (yung sa taas). Biruin mo binuhusan ng tubig?! Ano motibo niya para gawin iyon? Siguro maliwanag na nagagalit siya kay Hayden Kho sa ginawa nitong kalapastanganan sa babae. Kahit ako rin kasi galit sa ganoong kalapastanganan. Wala akong masabi o ano mang panghuhusga sa ginawa nung nambuhos ng tubig, hanga pa nga ako at may taong kayang gawin ang ganoon sa ngalan ng dignidad para kay Katrina Halili. Ngunit hindi maiaalis na kailangan niya managot sa ginawa niyang kontrebersiyang aksyon sa Senado. Sana sa labas niya na lang ginawa iyon. ^_^

UDATE Sa Pambubuhos ng Tubig kay Dr. Hayden Kho
Courtesy of “Unang Balita“; a GMA TV Program
(May 29, 2009 | 07:36 AM)

INFO: Sino si Abner Afuang? – Siya ay isang mediaman. Former Police Officer. At

dating Mayor ng Pagsanjan, Laguna. May action film ring ginawa na binase sa buhay niya, noong

1988 sa pelikulang “Afuang, Bounty Hunter” at gumanap dito si Philip Salvador. (see IMDb)

Ang Sagot at Motibo ni Abner Afuang sa Pambubuhos ng Tubig kay Hayden Kho.

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

^ ^ Sa napanood ko, siguro kung may muriatic acid lang siguro siyang nakita sa Senado siguro mas pipiliin niya pa iyong ibuhos iyon, tsk tsk tsk, nakakatakot.

Advertisements

12 Tugon

  1. lalakeng pulis ba iyon na nagbuhos ng tubig kay kho? o sadyang gusto lang ng pulis paliguan si Kho!

    _______________________________________________________

    Otakore Literantadodist : Opo. Malamang isa siya sa Super-FANS ni Katrina Halili. Hehehe.

    ________________________________________________________________

  2. kasalanan din naman ni katrina halili..alam na niyang si hayden kho ay may girlfriend na ay nagpaligaw pa siya..ok lang pala sa kanya ang palihim na relasyon at grabeh naman na sa 3 months na relasyon ay umaatikabong bakbakan na sa sex ang nangyari sa kanila..august to october 2007 na pag-iibigan..easy to get din pala si katrina.. sana mabisita niyo ang blog ko click lang ang name ko na arvin

  3. kasalanan din naman ni katrina halili..alam na niyang si hayden kho ay may girlfriend na ay nagpaligaw pa siya..ok lang pala sa kanya ang palihim na relasyon at grabeh naman na sa 3 months na relasyon ay umaatikabong bakbakan na sa sex ang nangyari sa kanila..august to october 2007 na pag-iibigan..easy to get din pala si katrina..

  4. Hindi ako fan ni Hayden at di rin ako kritiko ni Katrina pero bilang taong gustong mag-iisip at nakikita ang 2 bahagi ng kwento, hindi rin dapat ginaganon si hayden. Isa rin siyang biktima dahil hindi naman siya nagpalabas ng video (as what the senate concluded). ang mga tao akala mo kung sino makahusga, kung may ina si katrina, may ina rin si hayden. walang ina na magtuturo ng masama sa kanyang anak. pareho silang nagkasala o nagkamali, pareho silang tao, pareho rin sana sila ng karapatan. kung tayong mga babae nais nating makapantay ang lalake sa lahat, pati sa karapatan dapat pantay din. si hayden man ang nag video pero hindi lang siya ang solong may gawa nito dahil ang nasa video ay dalawang taong nasa hustong gulang na.

  5. @ maria & @ arvin
    – Arvin nakuha ko yung punto mo, nag-sex kagad sila e 2-months palang pala sila nagsasama.

    Maria nakuha ko rin ang punto mo, ang sa akin lang, bilang konserbatibo ng relihoyong katoliko – premarital sex pa lamang hindi na tama. Hindi naman lihim na makukuhanan ng bidyo yung mga sangkot na babae sa kumakalat na bidyo kung hindi sila pumayag makipatalik (pre-marital sex). Mali iyon.

    Parehas silang mali ni Katrina at Hayden pati yung ibang mga babae duun sa bidyo. TAPOS ANG LABAN. Sana gawin na nilang pribado ang mga hearing tungkol sa kaso nila, ang dami na kasing sumasawsaw sa isyu e (pati ako napa-sawsaw na rin sa pagba-blog nito, hehehe).

  6. ay isa lang masasabi ko. hindi siya maswerte sa bottled water. lol

  7. hi Doc. Hayden…. be strong na lng siguro sa mga pag dadaana mo pa,, isipin mo na lng na lilipas din ang bagyo sa buhay natin, pag katapos nyan i’m sure mas lalo ka pang titibay… ingat ka palagi.. at hindi naman lahat ng tao ay galit sayo ngayon, my mga tao marunong umintindi sa kalagayan mo ngayon…. god bless you & be strong!..

  8. Tao lng si hayden, Taong gaya natin, may pingaralan o wla ay natutukso, nddla ng emosyo, nkkgwa ng mga bgay byond limitaxon, nkkgwa ng pgkkmali khit alm ng mali. Sa ixung yan na sumibol at bumulabog sa sambayanang pilipino, ay isang lekxon ang aking napulot, “SEX after MARRIAGE” Hindi mabubuo ang sex video n un, kung wlang partisipasyon ng babae, and She must know it bgo sya manisi. I don’t believe n gnwa nya un for she love him… isa lng yung kahibangan. “Love is blind” Maybe Dra.Bello is blidly in love w/ him, but that’s it.. that is the true love n cnsabi q. kya lng kaylangn dn nting mgicip for a reason at don papasok tayo sa panibgong aspeto ng buhay na labas sa aspeto ng pagibig. “Dapat na igalang ang babae” ang tanong ” DAPAT ba akong Igalang?” may video o wla, still…it happened, because it is meant to happen.

  9. Binuhusan ng tubig si Hayden? gusto lang sumakay ni Afuang, alam nyang maraming nagkakagulo kay Hayden, at Kit -Kat , sa ginawa nya lalo lang nag karoon ng simpatya ang mga tao kay HIGH-den parang medyo cute sya nung binuhusan! ang Gwapo! comment ng mga nakausap kong pinay, sa totoo lang issue is still an issue, what High-Den done was exhilirating above all else, he became an instant icon, an idol for men, a heartrob for young women, a satan for some, but still he made history. From a rich family of professional, with some behavioral sex instincts, not so ordinary for ordinary lives, but it really happens, in movies, thrilling, porno movies, exciting, gossips all over due to mass produce of the said videos, he and katrina shocked and thrilled the Philippines. Masarap sila pag usapan- dahil it involves good sex, well at least he promoted safe sex, despite of what he has done, he admitted all of it, not bad for a doctor who wants to get his life back. well the stigma will remain, until he decided to live too far away from us. he would live a full life. Lessons learned still.

    Mahirap talagang maging biktima, pagsisisihan ng sinuman kung nangyari sa kanya yan. Sana makuha mo pang manalo sa kaso at may tumulong sa kaso mo. Sa dami ng pera ni Belo, kayang kaya ka nya bayaran hindi ba? Yun ay kung hindi bbitaw si Belo kay Hayden… Ingat na lang katrina, in some ways naaawa ako sa yo na natutuwa, naaawa dahil babae rin tayo dto, nattuwa dahil may pinay palang kagaya mo pagdatin sa bed, masyadong hot ha. Talo mo kami dun! Maraming nag eenjoy dahil nakanood ng libre, lalo na ang mga manyakis at mahihilig. Problema lang, ikaw ang taya. Try to move on still, wag lang masyadong umarte ng over, girl lalo ka lang nilang pagtatawanan. Readers, be careful sa pag gamit ng videos lalo na sa celphones nyo, I recently browsed the forums, sites about pinays, its all over the net, Once na na upload na ng ibang site, binebenta na nila in dollars! libre lang ang puhunan nila– pera na dahil sa mga katangahan ng mga pinoy na mag post ng mag post sa internet hindi nila inaalala mga babae din ang mga kamag anak nila. Ang gusto lang nila sumikat na sila ang nakapag labas ng ganun video, ayos na sa knila kahit na makapanira na ng buhay. Kilabutan naman kayo. Pag nakapanood na kayo delete nyo na, wag nyo nang ipasa. Kasalanan pa din yan, mga bro at bru!

    “Let no body deprive of thy own liberty, Let us be fair and just, so that when the time comes we were put in center of incriminating heat, we can still surface above the steam, cool and done well. Still juicy and tender, lovely and tasty.. that can still appreciate what life has to offer despite the pain” — By Tropang Pinay ng Pilipinas @tropangpinayngpilipinas@yahoo.com

  10. napanood ko yan. oo na masama na si kho pero yung pambubuhos naman kay kho ng tubig. sobra naman na yun. masyado na ngang natadtad yung tao. basta!
    ahhh! ewan!
    hindi naman sa kumakampi ako kay kho pero tama na! nagsisi na yung tao…
    at para kay halili… may kasalanan din siya. bat kasi siya papatol sa taong may syota na. adik!

  11. naisip siguro ni afuang na

    pano kung nangyari ang kabastusan ni hayden..

    sa kanyang asawa? sa anak? sa kamag-anak na babae.

  12. Hi,

    Wala lng ng basahin ko ang mga blog dito prang gusto ko na talagang sumali…kasi I also want to express my own opinion…

    It is true naman talaga that it was hayden’s fault that he vidoetaped his intimate moments with katrina but we he already accepted his mistake and apologize for the people concerned..it may not be enough but it proves that He is man enough to accept his mistakes and suffer the consequences.

    Pero we don’t have naman the right to judge them dahil tao lng tayo we do made mistakes…the only problem is that they are celebrities that is why patok na patok na pag usapan…

    For katrina naman…I know that hahihiya cia sa mga nangyari pero sana bago cia nakipag sex kay hayden she should have thought that hayden was already a commited person..

    They were both a victim so sana naman isipin din ni Katrina that she was not the only suffering from this scandal…..pati rin c hayden…pareho naman cila na nagkasala…tsaka sana ma realize nia na kng hindi pinakialaman ang computer ni hayden it won’t be as public as it is today..it was a personal file and matagal na rin na kay hayden ang nga video pero hindi naman it o lumabas d ba, so meaning it is just for hayden safekeeping…

    i also salute maricar for keeping quite..it saved her from kahihiyan and public eyes and i think she also thought that it was not haydens intention of hurtinh them….hay naku nasaktan lng talaga c katrina when hayden said that she was just a part if his foolishness, na hindi nia talaga ito minahal.

    ______________________________________________________

    Otakore Literantadodist : Salamat sa pagbisita at salamat sa iyong komento tungkol sa isyu. Naiintindihan ko.

    Sa susunod na makagawa ka na ng iyong blog, balitaan mo ako. Ako ay bibisita.

    Sa muli, salamat.

    ________________________________________________________

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: