Kapitan Sino ni Bob Ong (Literantado’s Book Review)

Pamagat: Kapitan Sino
May-Akda: Bob Ong
Kategorya: Maikling Kwento
Publisher: VISPRINT, INC.
ISBN: 971-05450-1-9
Limbag: Abril 2009
Presyo: 175.00 php. @ Powerbooks
Akmang Edad sa Babasa: 1 – 100 specially sa mga batang mahilig bumili ng tsi-tsirya malapit sa kanilang suking tindahan.
Tantyang Oras sa Pag-babasa: Isang Upuan lamang.

Kapitan Sino by Bob Ong
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Plot

Istorya ito ng pilit-to-be bayaning si Rogelio with friends Bok-bok and Tessa. Sanhi ng pagbagsak ng katawan ng ama niyang si Mang Ernesto na rapat na bumubuhay sa kanila ni Aling Hasmin, si Rogelio na ang naituring na padre de pamilya ng tahanan. Di lamang padre de pamilya kundi all around ang trabaho nito, nagtinda siya sa kaniyang sari-saring tindahan at di naglaon naluge, at naging tagabutingting siya ng elektronikong kagamitan na may kinalaman sa kurso niyang bitin (B.S.ECE) – kaya may kaalaman siya ruun, at di naglaon ano pa ba . . . natuklasan na niya ‘ATA yung superpowers niya matapos nun.

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Kritiko

Ang berdugo ko para sa librong ito = CORNY ! Recommended for kids na di marunong makaalala sa bayani. Good for adults also na mahilig ngumata ng cheezum, boy bawang o kung ano pa man yun sa suking-tindahan.

Ito na siguro yung pangalawa sa pinaka-corny na libro ni Bob Ong na nabasa ko sunod sa “Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?” (yung “MACARTHUR” at “Alamat ng Gubat” hindi ko pa nababasa; yung “Alamat ng Gubat” wala akong balak basahin)

Kaparabang lumulundag bigla ang istorya sa bawat kabanata na nabasa ko; sabagay isa itong maikling kwento pero napuna ko talaga yung pagkasulat na daglian na dumaloy ang kuwento.

Tungkol sa kwento. Nakuha ko yung laman at ibig ihatid nito sa mambabasa pero di ko maiaalis na corny talaga ito. Corny kasi talaga e, kahit ilang beses ko balik-balikan yung ilang pahina, CORNY pa rin (40% corny, 15% tawang hindi nakalabas yung ngipin, 5% naguluhan, 40% satisfied = 100% kong natapos ang kwento ng isang araw).

Tungkol kay Kapitan Sino. Inilalarawan niya yung tipo ng bayani na mabilis na kinalilimutan ng tao at siya rin yung tipo ng bayaning martyr pero corny nga lang. Aking ipapaliwanag, huwag nating ikumpara ang bayaning si Gat Rizal kay Kapitan Sino base sa istorya na kinatapusan niya, kundi ikumpara natin siya sa mga karaniwang bayani tulad ng mga OFW (Halimbawa, isang totoong pangyayari – (1) Taxi driver nagsauli ng malaking kaban ng pera sa may-ari nito na sumakay sa taxi niya. Ibinalita sa dyaryo at telegrama, ano nga ba yung pangalan niya? Karaniwang reaksyon – MAPA, “MAlay ko PAke ko?” (2) OFW si Syuning di tunay na pangalan, tinatanggap niya araw-araw ang hirap sa Saudi sa pagmamalupit ng kaniyang among Arabyanong manyak. Tiniis niya ang hirap para lamang makapag-padala ng pera sa kanyang pamilya. Sa huli siya’y namatay ng walang hustisya. Batid ang kaniyang pagkamatay ng mga awtoridad sa embahada ng Pilipinas sa Saudi. Ano reaksyon ng mga kababayan nitong Pinoy matapos mabalitaan – MAPA, “Malay ko PAke ko?”. Kay Kapitan Sino, sa kwento parang MAPA rin. Siya na ang tumulong, siya pa ang na-agrabyado.

Kung ginawang komiks yung Kapitan Sino siguro hindi ko masasabing corny ito. Yung istorya kasi, “comical” at pedeng gawing “cartoon” sa T.V.

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Mga Ilang Excerpt sa Kapitan Sino

Mula sa Pahina 113 (Excerpt)
__________________________________________________

. . . napalipad nya ng ilang metro ang kalaban.
Paaagh!
Na naulit ng isa pang beses. Paaagh!
At isa pa. Paaagh!
Lasug-lasog ang katawan ng nilalang sa banyo kung saan bumulwak ang tubig galing sa malaking tubo na naputol.

__________________________________________________

^ (lasog-lasog, kaliwang kamay lang yung putol?)

__________________________________________________

__________________________________________________

Mula sa Pahina 141 (Excerpt)
__________________________________________________
. . . Sa gitna ng mga tao, isang maputing ale ang lumapit at yumuko sa harap ni Rogelio. Ang malumanay, mabait, at nirerespeto ng lahat na si Aling Chummy, biglang sinampal ang bayani.
“Pinatay mo ang asawa ko!”
. . .
“Aling Chummy, matagal nang patay si Mang Hercules.” . . .
“Bakit hindi nya pinigilan?” malakas na sigaw at matinding pagsisikip ng dibdib ang sagot ni Aling Chummy. “Wala syang ginawa para awatin sa paninigarilyo ang asawa ko?” . . . “Pinatay niya ang asawa ko!” . . . “Ano pang hinihintay nyo? Hulihin nyo ang kriminal!”

__________________________________________________

^ (at hinuli nga si Rogelio dahil dun, naiintindihan ko kung bakit ganiyan yung linya, cartoonic at “comical” kasi ang pagkakasulat sa librong ito.)

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Advertisements

32 Tugon

  1. mac arthur at kapitan sino pa lang nababasa ko.
    sa tingin mo po maghanap na lang ako ng pdf file kesa bumile???

    HEhe

    _________________________________________________________

    Otakore Literantadodist : Sabi dun sa talukap-cover ng librong Kapitan Sino – Stop Book Piracy.

    Suportahan natin ang industriya ng mga Aklat sa Pilipinas.
    ^_^

    __________________________________________________________

  2. mali pala yung mac arthur at kapitan sino na lang ang hindi ko nababasa.

  3. Sayang wala sa National Bookstore noong napadaan ako bago umalis ulit ng bansa. Kahit na corny ito babasahin ko pa rin hehe, mais kasi ako hahaha. Maganda nga yung naisip mo na gawing isang komiks ito mas magiging kapansin-pansin siguro.
    Yung una sa dalawang libro mo na binaggit di ko pa natapos, para kasi akong tinamad. Yung pangalawa naman naaliw ako hehe, at paulit-ulit pa arin yung balik ng imahe ng aso na kinakain yung sinuka nya hanggang ngayun.
    Salamat sa review, papabili na lang ako sa kasama ko.

  4. Pakaabangan ang susunod pang mga Book Reviews:
    1) Gerilya ni Norman Wilwayco
    2) Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernadez
    3) 1984 by George Orwell
    . . .

  5. Hinde ganon kaganda ang librong ito, ngunit dahil si bob ong ang gumawa tinapos ko na rin siya… wenkz

  6. hakhak! di ko pa ito nababasa kaya hindi ko rin muna babasahin ang review mo dude! wag muna! baka madismaya lang ako! hakhak!

  7. Salamat po sa pag imbita masaya naman po ako at nalaman ko yung flaws ng libro maraming salamat din po sa mga impormasyong natutunan though it wont stop me from buying his books i like what he wrote and I love reading nevertheless I like your criticisms, Thank you very much!

  8. akala ko magaling si bob ong… hehehe… favorite kase yan ng isang kaibigan ko eh… 🙂 pero sa tingin ko nga corny sya…nais niyang iparating ang mga bagay-bagay na hindi naman nakikita ng mambabasa… minsan talaga ganon…

    _______________________________________________________

    Otakore Literantadodist : Sang-ayon ako sa sinabi mo minsan talaga hindi makakasabay ang mambabasa sa nais iparating ng may-akda. O makakaramdam rin ang mambabasa ng pagka-umay dahil nila matanggap ang ka-kornihan tulad ng sinulat ni Bob Ong.

    Hindi naman sa di ko gusto ang mga sinulat na libro ni Bob Ong (sa katotohanan nga gusto ko yung una, pangalawa, at pang-lima nyang libro), pero, talagang corny kasi ang bago niyang libro e. Hindi ako bias ah. Hehehe.

    ___________________________________________________________

  9. nabasa ko na lahat ng libro ni bob ong..masasabi kong maganda ang kwento nito..at hindi korni siguro may mga bagay lang na korni pero kung titignan mu ng mabuti ang nais iparating ni bob ong sa librong ito, maganda talga na aastigan ako..dahil pinag halo-halong libro ito ni bob ong may pagka mac-arthur ang dating tpos mei pagka paboritong libro ni hudas..in other words astig ang kwento nito..hindi man pulido ang pag kakagawa ang nais iparating ni bob ong ay napaka ganda..:D

    (sanmateo, rizal)

    ___________________________________________________________

    Otakore Literantadodist : Salamat sa iyong komento.

    Sa huli’t-huli’y hindi ko pa rin itatangging corny ang Kapitan Sino. Paninindigan ko ang mga narebyu ko sa blog ko. At nirerespeto ko rin ang iyong komento ukol dito. Sinusuportahan ko pa rin ang mga librong katulad nito (nang kay Bob Ong kahit papaano) kahit may kasaysayan pa ito ng pagiging corny. Suportado ko ang industriya ng aklat sa Pilipinas kaya naman gumagawa ako ng book review katulad nito.

    Subukan mo rin tangkilikin ang sumusunod na ginawan ko ng book review:

    Responde ni Norman Wilwayco

    At may susunod pang book reviews . . . abangan:
    1) Gerilya ni Norman Wilwayco
    2) Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez
    3) Orosa, Nakpil Malate ni Mar Gangcuangco
    4) . . . pending

    Nawa’y maging tagasubaybay ka ng aking blog. Salamat
    ^_^

    ______________________________________________________________

  10. Kabibili ko lang ng Kapitan Sino kanina. Naumpisahan ko nang basahin pero matagal pa before ko matapos. Para nga siyang Mac Arthur, maikling kwento. Sana di ako makornihan gaya ng sinasabi sa review dito. Ayoko din naman siyempreng madisappoint, if I’m correct, ito na ata ang most expensive niyang book so far. Tama ba? Anyway, to all, enjoy reading!…

  11. “Super Strenght…”

    HAHAHAHAHA!!!!

    CUTE NI BOK BOK

  12. Chracter:

    Rogelio
    Tessa
    Bok bok
    Mang Ernesto
    Ging – Ging
    Aling Hasmin
    Jong
    Aling Baby
    Aling Precious
    Jonymay

    Mishqua
    Mayor Suico
    Michael
    Vice Mayor Samonte
    Anghela
    Mang Boy
    Aling Chummy
    Cyrus
    Noel
    Bob
    Gu jun pyo
    Ji hoo
    Dao ming si
    E.T.
    RC
    JB
    JP
    TJ
    Matandang Kakaiba
    Dambuhalang Gorilla
    Mga Taga Pelaez
    Ramon “Bong” Revilla Jr.

  13. astig ung kwento khit mdyo korny.. 🙂
    khit korny c bob ong my mga napapala nman tau sa mga kakornihan nia..

    stop book piracy.. 🙂

    \m/

  14. kakabili ko lang kanina ng librong ito, at sa unang 50 na pahina, na-entertain naman ako, lalo na sa estilo ng paglalarawan ng kwento na may halong sarcasm at pagpapatawa.

    ang mga maikling kwento niyang alamat ng gubat at macarthur ay masasabi ko na kaaya-ayang basahin dahil napapatawa nito ang mga mambabasa habang nagpapasok siya ng mga isyung tunay na pinagdadaanan ng lipunan natin ngayon. His equivocal way of painting a genuine image of FIlipino society with true to life issues through sarcasm and subtle joking expressions is a narrative style that captures popular readers and intellectuals alike. 🙂

  15. @kiminobu
    – Maaari kang ma-conry-han pero … mag-komento ka sana uli dito kung natapos mo na ang libro. ^_^

    @Kapitan Tocino
    – Magandang pamalit sa pamagat ng Kapitan Sino yang pangalan mo. Hehehe. ^_^
    Teka paanong naging cute si Bok Bok?

    @Lea Leonero
    – I agree. Corny nga pero at least may napapala ngang magandang aral. Pero di ko pa rin itatanggi magpasahanggang-sa-linyang ito – na corny talaga ang kwento. ^_^

    @ian
    – I agree na nagpapasok siya ng isyung tinatahak ng ating lipunan ngunit sa kwento ng Kapitan Sino ganoon rin – ang kaso lamang exaggerated ang paglalaman sa kwento. Maybe it was meant written that way para maka-relate ang mga batang mambabasa.

    ^_^

  16. […] Sino book cover image is broken from here. […]

  17. as far as i know, bob ong is a girl. xD

  18. Well, cguro ayaw lang ikahon at limitahan ni Kumpareng bob ang kapasidad nya sa pag sulat. Meron syang sariling pananaw kung pano atakehin at ibahagi ang mensahe na gusto nyng ipbatid. Hindi dahil sa pinasimulan nya ang komikal at nakakatawang istilo sa ibang sulatin, hindi rin nangangahulugan na dun na lamang nya lalaruin ang mga letra ng kanyang akda. Ganun pa man, hindi ko pa nababasa ang libro.. Bitter pa din ako sa mga na nghiram ng books na hangang ngaun e hindi [a din isinusuli sakin..

  19. Corny nga ang kapitan sino…..ang tagal tagal kong hinintay…january pa lang nun inaabangan ko na yan….kasalanan ng kalendaryo ng national bookstore!!! nakakadisappoint yung libro…..parang hindi si bob ong ang nagsulat.

  20. “His equivocal way of painting a genuine image of FIlipino society with true to life issues through sarcasm and subtle joking expressions is a narrative style that captures popular readers and intellectuals alike. ”

    Comment yan nung ian….ang sarap basahin ng paulit ulit….imememorize ko yan….tas pag tinanong ako kung bat ko gusto si bob ong sasagutin ko sila ng: ” His equivocal way of painting a genuine image of FIlipino society with true to life issues through sarcasm and subtle joking expressions is a narrative style that captures popular readers and intellectuals alike. “…..hahahahhaha dudugo ilong ng kausap ko…mag mumukha na naman akong magaling

  21. @jobo
    – Hehehe. Siya nga pala, kapag sinabi mo yan dagdag “courtesy of ian with reference to Literantado blog” para blog promotion. Hehehe.

    Salamat sa pag-daan.

  22. i love bokbok! ahaha…
    nabasa ko na lahat ng books nya.
    lahat napahanga ako.haha

  23. This time nabasa ko na ang Kapitan sino: Yehey!@!!
    Isang panibagong istilo na naman ang ipinamalas ni kumpareng bob sa nobelang itu… Nanatili padin and marka ni bob ong, kwela.. Simpleng banat na malupit.. lahat tirang pasok,.Nakuha ko naman ung mga punto na gusto nyang tumbukin, May mga bahagi lng na mdjo tipong nsa unknown zone at hindi ko mskyan ang ilang tagpo!!!!
    “Hindi kailangan ng maraming tao para mabuo ang mundo, Sapat na ang iisang taong mahal mo, para buuin ang mundong gusto mo habambuhay” ( Hindi to ung exact pero, love the thought) hehehehe… Support Filipino authors. Stop book puracy…

    Sa Bestseller available ang kapitan Sino. Robinson’s galleria and SM North Edsa.

  24. Well, ang masasabi ko lang, hindi worth it bumili ng book nya. pero I don’t support book piracy, kaya manghihiram na lang ako if i need to. XD
    I have nothing against Bob Ong, [plastik! joke!] Oo, nakakatawa, pero feeling ko 5% lang ng utak ko gumagana. Babasahin ko to pag walang wala na talaga akong mabasa. tipong ganoon?
    If uou want to laugh and make your brain work like SpongeBob, this is the book to read.

  25. muka naman kayong korny.! ^^ oo nga.. nabasa naten yung mga naunang libro ni bob ong. Yung mapapgulong ka talaga sa kakatawa. Pero ayaw nya naman ilagay ang sarili niya sa ganoong sitwasyon, palagi. Ayaw niya na makita natin si bob ong na kwela na author. Mas makakabuti pa kung titignan natin si bob ong na higit sa pa sa pagpapatawa ang kaya niyang gawen sa mga libro nya. Kaya nga “SIGURO” ay gumawa sya ng fiction book. Total naman, may pinapahiwatig din si bob ong sa mga libro niya. Kapupulutan ng aral. Bob Ong wants us to inspire him as an effective Filipino author, not as a “comedian author” and he really proved that.

  26. Gago at walang kwenta ‘tong review na ‘to. Isa ka sa mga taong hindi marunong tumingin sa totoong kahulugan ng libro. Parte ng pagiging CORNY ( na gusto mong isampal sa mukha ng mga tao) ang attraction ng librong ito. Ginamit lang ni BO ang super hero style at ang stereotypical na ugali ng characters nya para ipakita ang characteristic ng mga pilipino, matuto kang tumingin beyond sa nababasa mo. Wala kang karapatan siraan ang isa sa pinakamagandang libro na ginawa ni BobOng. Kung iintindihin mo lang at kung isusuka mo yang kaartehan mo sa pagtawag na corny yung libro, makikita mo na sobrang ganda nito.

    Sa lahat ng babasa ng librong ito, wag nyo pakinggan ang tangang nagrereview nito. Basahin nyo yung libro. Kung gusto nyo makita ang totoong estado ng pilipinas, basahin nyo to. Recommended to.

  27. hirap na hirap akong maghanap ng book ng Kapitan Sino !

  28. Actually, naiiyak nga akong basahin ang climax. It’s a good read, better than his other works. Would love to see it in a film. It was poignant, and yes, very sarcastic, just my type of humor. Patama sa mga echoserang pinoy mahilig sa chismis.

  29. Hindi naintindihan ng mga nag-review ang librong ito. Hindi niyo na-absorb ang gustong iparating ni Bob Ong. Kung ako sa inyo, basahin niyo ulit.

  30. Ako ang orihinal na may-ari ng blog na ito. Kalahating dekada na ang nag-daan. Di ko akalain may bumibisita pa rin. Hahaha.

    Salamat sa lahat ng mga tumutugon hanggang sa ngayon. Di ko akalain na may nagkokomento pa rin sa ginawa kong rebyu. Wag sana kayo magagalit. Opinyon ko lamang iyan, marahil di ko naintindihan o kaya’y iba ang takbo ng aking pagiisip noong taong 2009 kaya ko naisulat ang rebyung ito.

    Paborito ko ang IBANG serye ng aklat ni Bob Ong. Sadyang hindi ko nagustuhan ang partikular na aklat niyang ito (dati iyon). Aking sisilipin ulit ang aking libruhan at gagawan ito ng panibagong rebyu (kritikal).

    Subaybayan ako sa bago kong blog @ http://www.literateknolohitura.com/

    Salamat.

  31. Sabe nga ni bob ong sa aklat nya na stainless longganisa,may mga taong di tatangap ng opinyon nya at kung di man ito tanggap o may nasagi mang paniniwala di sapat na dahilan yun para makumpiska ang ballpen nya at lisensya nyang magsulat..

  32. anong inspirasyon ng author sa kwento?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: