Panloob at Panlabas na mga Pangarap – “Sana”

Panlabas na mga Pangarap (Mga Pangarap na Hindi para sa aking Sarili)

Mapipigilan ba nating lumala ang kondisyong Global Warming ng ating daigdig? Sana?
Sagot: Oo.

Magbabago ba ang karamihang opisyal ng Gobyerno (sa pangungurakot) o yung yaong tuta ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kung wala na siya? Sana?
Sagot: Oo.

Luluwag ba ang trapiko sa kamaynilaan kapag napalitan na ng matinong chair ang MMDA? Sana?
Sagot: Oo.

Yayaman pa ba ang Pilipinas sa darating na panahon? Sana?
Sagot: Oo.

Posible ba ang mga pinagsasabi ko sa taas? ^
Sagot: Sana hindi. Imposible at malabo ang positibong sagot ! ! !
(Pansinin ang tandang-padamdam sa taas na pangungusap. Nalalayo ang tandang-padamdam sa salitang ‘sagot’. ISA ITONG SIGNUS! “Sana nananakot lang ako.”)
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Paliwanag

Tanggapin na natin, imposible na ang mga solusyon sa mga nabanggit sa taas. Wala na’ng “sana”!

Mapipigilan ba ng sankatauhan ang kondisyong Global Warming? Sabihin na nating may sumisimpatya at tumutulong mapigilan ang mga epekto ng Global Warming – ang Climate Change pero malinaw sa ating mga mata na iilang tao lang ang mga nakikiisa laban dito. Sa nakikita ko huli na ang lahat para solusyunan ang problema ng ating mundo na ito kahit pa may kumikilos laban dito. Lahat ng kasalanan ay may kapalit at ito ang kapalit-na-kahihinatnan ng lahat. TOTOONG mawawala/lulubog ang mapa ng Pilipinas. Sana hinde, pero imposible ang iniisip mo kung batid mo man ang problemang ito. Tanggapin na natin, ito na ang kahihinatnan ng mga Pinoy. Isipin na lang natin kung saang bansa tayo pupulutin kung dumating na ang panahong iyon.

Korapsyon? Nakakasawa na pag-usapan ito bagama’t may lumalaban para sugpuin ito, e hindi pa rin ito nawawala kahit pa ganoon. Saludo ako sa mga taong lumalaban sa korapsyon kahit di naman talaga nauubos sa lipunan natin ‘to. At isa pa, sino ba ang mga nakikita nating tao na lumalaban sa korapsyon? Kadalasan mga pobre, at kakaunti lang ang mga mayayaman na nakikiisa laban sa korapsyon. Dahil dito, hindi na yayaman ang ating bansa laban sa mga ganid na ito. Walang baygon na makakapatay sa immuned na ipis ng Pilipinas. Katotohanan: Hindi naman talaga nawawala ang korapsyon, cultural habit na ito sa Pinas matagal na, magdiwang na kung nababawasan ito sa ating lipunan.

“Sana makarating ako sa iskul na pinapasukan ko ng bente minutos.” Trapiko sa kamaynilaan? “Shit, isa’t kalahating oras O_O Makati to Intramuros?” Hindi maso-solusyunan ang trapiko sa kamaynilaan. Ang arkitektura ng mga kalsada rito ay sadyang masikip. Kahit pa supilin ni Bayani Fernando ang mga iskwating sa gilid ng kalsada o siya man ang supilin natin – ganoon pa rin naman yung trapiko, hindi magbabago dahil sa arkitektura na komplikado pang marekonstruksyonan. Ang tanging solusyon lang dito ay gumamit ng kalesa, iwas rin sa usok na pampalala ng kondisyong Global Warming pero imposible naman iyon di ba?
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Panloob na mga Pangarap (Mga Pangarap ko at Ambisyon)

  • ”Sana” Makakuha ako ng magandang trabaho, yung gusto kong propesyon (programmer/web developer/ethical hacker).
  • ”Sana” Makompleto ko ang mga model kits na kamakailan ko lamang kinokolekta.
  • ”Sana” Makasulat ako ng mga maikling kwento at nobela sa pagdaloy ng panahon na tatahakin ko.
  • ”Sana” Makapag-patayo ng mga bahay – bahay para sa kamag-anak ko at bahay para sa akin kung saan ako lang ang titira kasama ng aking magiging asawa.
  • ”Sana” Makapag-may-ari ako ng sarili kong kompanya. Ng isang software company, publishing house, at isang panederya – mga negosyong pinag-i-interesan ko magpasahanggang ngayon.
  • ”Sana” Makapag-asawa ako ng isa babae lang, yung mamahalin ako ng buong puso at buong buhay.
  • ”Sana” Magka-anak ako ng dalawa, isang babae at isang lalake; wala ng susunod pa.
  • ”Sana” Mamamatay ako ng natural yung tipong tanggap na ng mga nagmamahal sa akin at hindi na sila iiyak, at magdadalamhati na lamang sila ng may ngiti sa mukha.
  • _________________________________________________________
    _________________________________________________________

    Malaking TANONG Mula sa Lahat-lahat sa Itaas ^ : Matutupad ko pa kaya ang mga pangarap na ito kung pangungunahan ito ng distraktikong pangarap na panlabas ko? Ang pangarap sa panloob ko may pag-asa pa ba?

    Sagot: Libre Lang Mangarap.

Advertisements

38 Tugon

  1. Mayroon pag-asa ang pangloob mong pangarap Igan. Baligtarin mo naman ngayon. Una mong bigyan ng puwang sa puso mo at isipan at iyong pagsumikapan ay ma surpass mo ang negatibong vibes na iyong nararamdaman sa iyong sarili ngayon. Gawin mo silang positibo. Dahil iyon ang magbibigay sa iyo ng lakas para maabot mo lahat ang pinangarap mo sa panlabas. Mag DXN ka Igan dahil lahat ng pangarap mo ay matutupad!

  2. Maganda ang iyong naging topic, hinahangaan kita sa pagbubukas mo ngmata sa mga kitang-kita na problema sa bansa natin.
    Ang problema natin sa global warming ay matagal nang ipinapaalam ng mga siyentipiko ang unang sikat na tawag dyan ay ang greenhouse effect na hindi ko gaanong binigyan ng pansin kasi nasa elementarya palang ako noong nagkasalubong kami. Ang maaring tulong na magawa siguro natin ay magbigay ng kaalaman sa mga kasama natin sa bahay tungkol dito, sana mapanood mo ang dokumentaryo na gawa ni Yann Arthus Bertrand na Home-2009, mapapanood siya sa youtube, ang adhikain nila ay mapanood ito ng mga tao ibibigay nila ang film na ito ng libre, sana mapanood ninyo kasama ng pamilya at mga kaibigan mo.
    Sa pulitika naman, mas sasaya nga siguro kung yung mga mauupo sa gobyerno ay yung hindi gaanong demonyo (lesser evil) dun na ako kaysa sa mga hayok na hayok talaga sa kapangyarihan at least kahit paano may pag-asa pa rin na masisilip.
    Sa trapik naman, noon pa man mali na ang disenyo ng mga kalye sa Pilipinas, kulang sa Planning ang mga nasa gobyerno hindi ni nai-forecast ang dami ng tao at sasakyan sa kamaynilaan. Hindi tulad sa Japan na kahit noong 1940’s palang may plano na sila sa kanilang mass transportation dahil forecasted na nila ang dami ng tao sa mga siyudad. Kung mabibigyan ng tiyansa ang pagpaparami pa sa mga mass transportation na ito ay magkakaroon ng ginhawa sa traffic na parusa sa kamaynilaan.
    Hmmm Makati – Intramuros?? Noong nag-aaral pa ako sa Intramuros din ako.

    Sa mga panloob na pangarap mo naman.
    Kya mong makamtamn ang mga ito, basta desidido ka lang sa gusto mong makamit, kahit na magkabagsak-bagsak ka pa sa subject mo basta hindi kasusuko ok lang yun, Mayroon akong kaibigan na ganun ang nanagyari sa kanya tulad mo nasa IT rin siya isang COE, pero hindi naging balakid yung mga unang kabiguan niya sa buhay, kaya naman ngayon isa na siyang IT manager sa Dubai sa edad na 29, Nakikita ko rin ang potential mo tulad ng kaibigan ko, kaya ‘wag kang mawawaln ng pag-asa.

  3. hehe..ibang klase ang mga tirada mo ah..galing!
    ang iyong panloob at panlabas na mga pangarap ay hindi imposible..basta magtiwala lang tayo at patuloy na mangarap..anyway, libre lang naman ang mangarap.

  4. @pruelpo – (^_^) salamat na lang po sa alok (sa DXN business), marami po kasi akong pinagkakaabalahan lalo na’t graduating student ako hindi ko rin maaasikaso ang ganiyang business. Patong-patong at sunod-sunod ang mga gagawin ko ngayong panahon ng pasukan.

    @tagamasid – ang primadong punto ko talaga sa “pinapangarap” post ko na ito (sa contest ni Mr.Otep) ay yang imposibleng pangarap ko na mapigilan ang Global Warming. Sa tingin ko “natural occurences” siguro ito, kasalanan man ng tao o hindi?

    @ELIment – salamat sa komento at pag-bisita. ^_^

    Salamat sa mga nagsi-komento.

    Mga inspirasyon ang mga sinabi ninyo. At lubos ang aking pasasalamat dahil rito.

  5. Hmm.. Sa tingin ko naman ay may pag-asa na matupad ung iyong mga pangarap. Dahil habang may bukas may pagasa.. Basta wag kalang mag papadala sa masamang bisyo sa iyong paligid. AJA !! (^^,)v

  6. anu yan? ang tunay na lalaki ay hindi nangangarap sa halip ay inaantay lang ang mga bagay bagay na dumating sa kanyang daraanan at mas mapapatindi ang pagiging tunay na lalaki kung nagaantay lang sya sa wala.

  7. @Gerald John Santos
    – “Ako ‘ata ang bisyo at hindi ang masamang bisyo sa paligid”.

    @xbasuraman
    – sugo ka ba ng blog na “Hay! Men!“, masasabi kong isa kang fanatico ng blog dahil sa pinagsasabi mo. Isa itong entry para sa T-Shirt Contest (see T-Shirt pic at right side-bar)

    __________

    Gayon pa man, salamat sa mga nagkomento galing ng Friendster. ^_^

  8. para sa lmga literantadong kayulad natin!!! haha

  9. nandito na si jasonhamster
    para tumulong na tuparin ang iyong pangarap!!!!

  10. para sayo to kapatid!!!!!

  11. Chheers para sa mga natatangi mong pangrap
    na para sa sanlibutan!!!

  12. walang impossible…

    🙂

    have faith…

  13. @jason
    – Hehehe. Ang daming koment, hiwa-hiwalay. Salamat sa iyong tugon.

    @joyo
    – Imposible na po yung panlabas na mga pangarap ko, fixed po ang mga pagkakasabi ko at eksplenasyon ukol dun. Ang posible lamang ay ang panloob kong mga pangarap. Try ninyo pong review-hin. ^_^
    ______________________
    Salamat sa pag-bisita. Nawa’y matupad ninyo mga pangarap ninyo.

  14. Gusto mong drawingan ko tong blog mo ha!!!

  15. diba eto yung entry mo kay pareng otep???

  16. dali paparamihin natin tong comments na parang gremlin na naulanan.

  17. Sanay maging inspirasyon ang iyong pangarap
    ng mga bata ngayon sa lipunan.

  18. @jason
    – Whaaa! Dami mo na naman komento, hiwa-hiwalay.
    YES! Magkaka-TSHIRT na ako!!!
    Pero. . . di kaya magalit si Pareng Otep n’yan?

  19. pengeng tshirt magko-comment ako ng madaming.. madami
    madami
    madami
    madami
    madami
    madami
    madami
    madami…

  20. makiki spam na rin ako kuya hehe..:)
    dahil sa isa rin ako sa gustong mabigyan tayong lahat ng tee shirt ni otep hehe ..
    i hope matupad din ang pangrap mo..:)kuya..

  21. sana sana

  22. heheheeh

    makg kaisa tayo

  23. @xbasuraman
    – Hehehe. Madaming madami nga yang komento mo! HINDI SAPAT!

    @anakngpating
    – ^_^

    @jason
    – Hahaha, dami na naman n’yan ah. Meron ka palang bagong entry sa blog mo (hehehe, mukang may naaaninag na naman akong drawing), teka sandali magkakape muna ako bago ako magkomento.

  24. Marami rin akong sana na gustong mangyari sa buhay ko at sa bayan na rin natin.. hay.. sana nga… 😦

  25. para saan yung kape

    ibubuhos mo sa drawing ko??? HAHAHAHA

  26. @Philmore
    – ^_^

    @jason
    – Bwahahaha. Di ko namalayan na yun ang isinulat ko. Nakakailang 3in1 coffee mix ako kasi ako kada upo ko sa PC ko. Wehehehe. Pero pwede ko rin ibuhos yung kape sa drawing mo para mag-mukang abstract. Heheheh.

  27. Maganda at ok naman ang sinulat mo kaso bago mo punahin ang ibang bagay eh ayusin mo muna ang sarili mo.. ika nga sa sarili nag sisimula ang pagbabago.. Malay mo hindi pala Fixed yan at mababago pa pala. Nasa Tao yan at wala sa sistema.

    At sa panloob mo naman tanggapin mo na lang kung anong darating sayo. Oo at libre ang mangarap pero wag mag expect.
    Hindi lahat ng bagay makakamtan mo at hindi lahat ng pagkakataon eh aayon sayo.. Makuntento kung ano meron.
    Kung may magka totoo man (magpasalamat) kung may mga d natupad (makuntento).

  28. Tungkol nga pala sa trapik :

    Oo pede din ang sinabi mo na mali ang pagkaka gawa ng “Ilang kalsada sa Pinas” Pero hindi lahat, Kung sisisihin mo naman ang kasalukuyang gobyerno ngayon eh wala naman silang magagawa dyan sapagkat yung ibang lumang kalsada eh wala pa sila sa pwesto andun na un..

    Posibleng Solusyon? :
    Gaya ng sabi ko nasa “Tao yan!” (Mga Motorista man o kahit walang kotse/pasahero) Kung aayos lang at susunod sa batas trapiko tayong mga pinoy mababawasan yan. kaya traffict dyan sa taft pansinin mo ayaw kasing mag bigayan ng mga bwakang mga jeepney driver at bus driver laging unahan sa pasahero, at pag dating naman sa pasahero.. hindi nasakay sa tamang sakayan at hindi nababa sa tamang babaan, at ung iba hindi natawid sa tamang twiran.. kaya ang labas kundi trapik eh disgrasya!
    Lahat ng bagay maski ang tao PEDENG MAG BAGO!

    Pero sa 2 komento ko eh opinyon ko lamang yan at hindi ko sinasabing tama..

    yan nag komento na ko trilliones!

    From : Out Of School Youth! (OSY)

  29. ayos ang nilalaman…

  30. napadaan lang uli. hinahanap ko kase yong hamster ko? diba nagawi dito? hehe

  31. hangga\’t my pag-asa..
    wag mapagod n mangarap. 🙂

    okei ung laman ng blog n toh..

  32. hindi mo makokolekta ang model kits mo kung hindi ka bibili nito..

  33. @Enon Macasinag

    . . . bago mo punahin ang ibang bagay eh ayusin mo muna ang sarili mo..

    – ^ Teka-teka anong ayusin? Parang nakikita mo ko palagi at nakikita mong magulo ako. Sabihin na nating tarantado ako, pero literantado ako!

    At isa pa hindi ako nag-e-expect ng kung ano man yung darating. Nangangarap nga ako – nagmumuni-muni lamang. Libre lang naman e.

    Tungkol naman sa opinyon mo sa trapiko. Masasabi kong imposible na talaga dahil sa sinabi mo. “Pede magbago” pero ang tanong makapagbabago nga ba ang mga Pinoy? Madaling sabihin ang “PWEDE”. “PWEDE” ito ang libreng aksyon ng mga tao/Pinoy, sa tingin mo magkukusa ba ang mga taong itO?

    Wrong-send mo ba ‘to? Walang trillones dito!!!

  34. @xenovah
    – SALAMAT! SALAMAT SA NAPAKA-LAMAN MONG KUMENTO.

    @eliment
    – Si JasonHamster ba hinahanap mo hehehe. ^_^

    @Lea Leonero
    – Kung OK ‘to, e di sana bumibisita ka lage!

    @secret man
    – Kaya kong bumili ng mga model kits na sinasabi ko. Yung model kits na tinutukoy ko, iyon yung Gundam MG 1/100 Model Kits na napaka-delicate buuin at pagandahin gamit ang special marker. Ang imposible kasi dito ay masyado akong abala sa aking pinopropesyon at dahil sa napaka-mabusisi ng pagbubuo dito at pagpapaganda – ay nawawalan na ako ng oras para abalahin ko ang ganitong klase ng hobby. Gets mo po?

    ^_^ Salamat sa pagbisita kung sino ka man.

    _______________________________________________________________

    Nagbabakasyon ako sa blog ko ngayon, napadaan lamang ako. ^_^ Sa Hunyo 27 pa ang aking balik. Susulyapan ko lang minsan kung may nagkokomento sa blog ko. Kaya paaalam na muna!

    (Ang Pagkokomento sa LITERANTADO sa ngayon ay pansamantalang awtomatikong natatanggap ng walang moderasyon ng may-ari.)

  35. anong kalokohan to?wag ka mag feeling bob ong

  36. @jongster
    ^ Arogante.

    Kung sino ka man. Basahin mo -> “I KNOW THE MEANING OF IRONY”. Sana alam mo kung ano yun.

    Mahihiya sana ako kung sinabi mong “feeling Amado Hernandez ako na nagkukwento sa kulungan ngunit Bob Ong pa!?!? #CENSORED#yeta! Alam mo naman siguro kung saan hahanapin ang mga libro sa FILIPINIANA SECTION ng isang silid-aklatan o kung hindi man, siguro’t kaya ganyan na lang ang komento mo at wala ka na’ng ibang binasa kundi tagalog books like Bob Ong.

    At hindi ko matarok kung bakit sinabi mong feeling Bob Ong ako. Huwag ka sana magko-komento ng ganun kung tagalog books lang ni Bob Ong binabasa mo. Nakakahiya.

    Sa uulitin . . .

  37. @otep

    ^ Siguro naman wala nang magkokomento dito. ^_^

    I got only 38 comments.

    I will raise a white flag. Congratulations to all winner.

    ^_^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: