Patay muna ang Literantado

Isa itong anunsyo.

Pansamantala ko munang iiwan ang blog Literantado hanggang Hunyo 27.

Marami akong mga pinaplano, ginagawa, at mga hinaharap na gagawin pa sa buhay ngayon kaya’t pangunahing prayoridad ko munang tapusin iyon hangga’t maaari.

Para hindi mabagot ang bibisita kahit wala ang may-akda ng blog na ito, maaari po lamang na bisitahin ang Balik-Tanaw/Backtracks na pahina na makikita sa blog na ito. Duun makikita ang mga rati pang entries na malamang ay pagka-interesan mo pang basahin kaya’t bumisita ka na at pinauunlakan ko ng lubos kung magkokomento ka sa binasa mo. (^_^)

At isa pang paalala, hinihiling ko na suportahan mo ang entry ko sa LLM’s T-Shirt na pa-contest ni Mr.Otep ng Libre Lang Mangarap blog. PLEASE. Ang iyong komento sa ginawa kong entry ay magsisilbing puntos para manalo ako ng T-Shirt niya. Hehehe. (Makikita ang tinutukoy kong entry sa Left-sidebar ng pahinang ito. Duun sa larawan ng isang T-Shirt) (^_^)

NOTE SA KANIYANG PA-CONTEST: Para sa karagdagang impormasyon sa contest, pumunta lamang sa blog niya.

Marami pa sana akong entry na ipapaskil sa Literantado ngunit kailangan talaga ng oras ko ang aking pinopropesyon sa buhay. Di bale’t pagbalik ko sa Literantado ay mas magiging interesante ang mga ipapaskil ko dahil ang pagbabalik kong iyon ay ang pagba-blog ng tunay na LITERANTADO (ang magsulat/mag-type ng mga tunay-na-akdang pampanitikan – maikling kwento, tula, kaba-kabanatang nobela – na lahat ay orihinal na isusulat ko sa blog na ito). Ang mga sinabi ko ang tunay na layunin ng Literantado.

Maraming Salamat. Makaka-asang babalik ako sa Hunyo 27.

Hanggang dito na lamang.

Otakore Literantadodist

Literantado

Panloob at Panlabas na mga Pangarap – “Sana”

Panlabas na mga Pangarap (Mga Pangarap na Hindi para sa aking Sarili)

Mapipigilan ba nating lumala ang kondisyong Global Warming ng ating daigdig? Sana?
Sagot: Oo.

Magbabago ba ang karamihang opisyal ng Gobyerno (sa pangungurakot) o yung yaong tuta ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kung wala na siya? Sana?
Sagot: Oo.

Luluwag ba ang trapiko sa kamaynilaan kapag napalitan na ng matinong chair ang MMDA? Sana?
Sagot: Oo.

Yayaman pa ba ang Pilipinas sa darating na panahon? Sana?
Sagot: Oo.

Posible ba ang mga pinagsasabi ko sa taas? ^
Sagot: Sana hindi. Imposible at malabo ang positibong sagot ! ! !
(Pansinin ang tandang-padamdam sa taas na pangungusap. Nalalayo ang tandang-padamdam sa salitang ‘sagot’. ISA ITONG SIGNUS! “Sana nananakot lang ako.”)
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Paliwanag

Tanggapin na natin, imposible na ang mga solusyon sa mga nabanggit sa taas. Wala na’ng “sana”!

Mapipigilan ba ng sankatauhan ang kondisyong Global Warming? Sabihin na nating may sumisimpatya at tumutulong mapigilan ang mga epekto ng Global Warming – ang Climate Change pero malinaw sa ating mga mata na iilang tao lang ang mga nakikiisa laban dito. Sa nakikita ko huli na ang lahat para solusyunan ang problema ng ating mundo na ito kahit pa may kumikilos laban dito. Lahat ng kasalanan ay may kapalit at ito ang kapalit-na-kahihinatnan ng lahat. TOTOONG mawawala/lulubog ang mapa ng Pilipinas. Sana hinde, pero imposible ang iniisip mo kung batid mo man ang problemang ito. Tanggapin na natin, ito na ang kahihinatnan ng mga Pinoy. Isipin na lang natin kung saang bansa tayo pupulutin kung dumating na ang panahong iyon.

Korapsyon? Nakakasawa na pag-usapan ito bagama’t may lumalaban para sugpuin ito, e hindi pa rin ito nawawala kahit pa ganoon. Saludo ako sa mga taong lumalaban sa korapsyon kahit di naman talaga nauubos sa lipunan natin ‘to. At isa pa, sino ba ang mga nakikita nating tao na lumalaban sa korapsyon? Kadalasan mga pobre, at kakaunti lang ang mga mayayaman na nakikiisa laban sa korapsyon. Dahil dito, hindi na yayaman ang ating bansa laban sa mga ganid na ito. Walang baygon na makakapatay sa immuned na ipis ng Pilipinas. Katotohanan: Hindi naman talaga nawawala ang korapsyon, cultural habit na ito sa Pinas matagal na, magdiwang na kung nababawasan ito sa ating lipunan.

“Sana makarating ako sa iskul na pinapasukan ko ng bente minutos.” Trapiko sa kamaynilaan? “Shit, isa’t kalahating oras O_O Makati to Intramuros?” Hindi maso-solusyunan ang trapiko sa kamaynilaan. Ang arkitektura ng mga kalsada rito ay sadyang masikip. Kahit pa supilin ni Bayani Fernando ang mga iskwating sa gilid ng kalsada o siya man ang supilin natin – ganoon pa rin naman yung trapiko, hindi magbabago dahil sa arkitektura na komplikado pang marekonstruksyonan. Ang tanging solusyon lang dito ay gumamit ng kalesa, iwas rin sa usok na pampalala ng kondisyong Global Warming pero imposible naman iyon di ba?
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Panloob na mga Pangarap (Mga Pangarap ko at Ambisyon)

  • ”Sana” Makakuha ako ng magandang trabaho, yung gusto kong propesyon (programmer/web developer/ethical hacker).
  • ”Sana” Makompleto ko ang mga model kits na kamakailan ko lamang kinokolekta.
  • ”Sana” Makasulat ako ng mga maikling kwento at nobela sa pagdaloy ng panahon na tatahakin ko.
  • ”Sana” Makapag-patayo ng mga bahay – bahay para sa kamag-anak ko at bahay para sa akin kung saan ako lang ang titira kasama ng aking magiging asawa.
  • ”Sana” Makapag-may-ari ako ng sarili kong kompanya. Ng isang software company, publishing house, at isang panederya – mga negosyong pinag-i-interesan ko magpasahanggang ngayon.
  • ”Sana” Makapag-asawa ako ng isa babae lang, yung mamahalin ako ng buong puso at buong buhay.
  • ”Sana” Magka-anak ako ng dalawa, isang babae at isang lalake; wala ng susunod pa.
  • ”Sana” Mamamatay ako ng natural yung tipong tanggap na ng mga nagmamahal sa akin at hindi na sila iiyak, at magdadalamhati na lamang sila ng may ngiti sa mukha.
  • _________________________________________________________
    _________________________________________________________

    Malaking TANONG Mula sa Lahat-lahat sa Itaas ^ : Matutupad ko pa kaya ang mga pangarap na ito kung pangungunahan ito ng distraktikong pangarap na panlabas ko? Ang pangarap sa panloob ko may pag-asa pa ba?

    Sagot: Libre Lang Mangarap.

Hayden Kho Binuhusan ng Tubig sa Senado (w/ Streaming Video). UPDATED! Sagot ni Abner Afuang sa Pambubuhos ADDED!

Ang bidyo sa ibaba ay mula sa GMA Breaking News. Kaninang hapon ng 3:49 PM. (May 28, 2009). Si Hayden Kho ay humarap ngayong Huwebes sa Senado para sa isang inquiry ukol sa kumakalat na sex video ng iba’t-ibang celebrity kinasalamuha niya. Sa hindi inaasahang pangyayari, mistulang nagkaroon ng scandal sa Senado, bakit? Bidyo sa baba . . .

_________________________________________________________________________

Courtesy of GMA Breaking News. Original video here.
_________________________________________________________________________

Ang nagbuhos ng tubig ay kinilalang si Abner Afuang na isang dating pulis. Ano ang dahilan kung bakit niya nagawa ang ganoong akto?

^ Sa totoo lang wala akong balak i-blog ang naturang isyung ito o makigaya sa ibang bloggers na nagsusulat ng kanilang opinyon tungkol sa iskandalong kinahaharap ng dalawang celebrity. Hindi na kasi bago yan e, lumala lang yung isyu kasi kilalang celebrity yung sangkot sa iskandal. Sa katotohanan marami-rami na rin akong napanood na bidyo-iskandal na nagkalat sa cyberspace na ‘di ko malaman kung alam ba nung tauhan sa sex bidyong iyun na kumakalat ito at nakamit na ba nila yung hustisya sa kabila nun?

Ngayon, siguro makikisingit na rin ako sa pag-ba-blog nito katulad ng karamihan (sabihin na nating naiinggit at naeengganyo lang ako makigaya sa pagba-blog nung naturang isyu). Nagulat kasi ako na natawa sa napanood kong flash news sa TV ngayon (yung sa taas). Biruin mo binuhusan ng tubig?! Ano motibo niya para gawin iyon? Siguro maliwanag na nagagalit siya kay Hayden Kho sa ginawa nitong kalapastanganan sa babae. Kahit ako rin kasi galit sa ganoong kalapastanganan. Wala akong masabi o ano mang panghuhusga sa ginawa nung nambuhos ng tubig, hanga pa nga ako at may taong kayang gawin ang ganoon sa ngalan ng dignidad para kay Katrina Halili. Ngunit hindi maiaalis na kailangan niya managot sa ginawa niyang kontrebersiyang aksyon sa Senado. Sana sa labas niya na lang ginawa iyon. ^_^

UDATE Sa Pambubuhos ng Tubig kay Dr. Hayden Kho
Courtesy of “Unang Balita“; a GMA TV Program
(May 29, 2009 | 07:36 AM)

INFO: Sino si Abner Afuang? – Siya ay isang mediaman. Former Police Officer. At

dating Mayor ng Pagsanjan, Laguna. May action film ring ginawa na binase sa buhay niya, noong

1988 sa pelikulang “Afuang, Bounty Hunter” at gumanap dito si Philip Salvador. (see IMDb)

Ang Sagot at Motibo ni Abner Afuang sa Pambubuhos ng Tubig kay Hayden Kho.

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

^ ^ Sa napanood ko, siguro kung may muriatic acid lang siguro siyang nakita sa Senado siguro mas pipiliin niya pa iyong ibuhos iyon, tsk tsk tsk, nakakatakot.

Kapitan Sino ni Bob Ong (Literantado’s Book Review)

Pamagat: Kapitan Sino
May-Akda: Bob Ong
Kategorya: Maikling Kwento
Publisher: VISPRINT, INC.
ISBN: 971-05450-1-9
Limbag: Abril 2009
Presyo: 175.00 php. @ Powerbooks
Akmang Edad sa Babasa: 1 – 100 specially sa mga batang mahilig bumili ng tsi-tsirya malapit sa kanilang suking tindahan.
Tantyang Oras sa Pag-babasa: Isang Upuan lamang.

Kapitan Sino by Bob Ong
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Plot

Istorya ito ng pilit-to-be bayaning si Rogelio with friends Bok-bok and Tessa. Sanhi ng pagbagsak ng katawan ng ama niyang si Mang Ernesto na rapat na bumubuhay sa kanila ni Aling Hasmin, si Rogelio na ang naituring na padre de pamilya ng tahanan. Di lamang padre de pamilya kundi all around ang trabaho nito, nagtinda siya sa kaniyang sari-saring tindahan at di naglaon naluge, at naging tagabutingting siya ng elektronikong kagamitan na may kinalaman sa kurso niyang bitin (B.S.ECE) – kaya may kaalaman siya ruun, at di naglaon ano pa ba . . . natuklasan na niya ‘ATA yung superpowers niya matapos nun.

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Kritiko

Ang berdugo ko para sa librong ito = CORNY ! Recommended for kids na di marunong makaalala sa bayani. Good for adults also na mahilig ngumata ng cheezum, boy bawang o kung ano pa man yun sa suking-tindahan.

Ito na siguro yung pangalawa sa pinaka-corny na libro ni Bob Ong na nabasa ko sunod sa “Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?” (yung “MACARTHUR” at “Alamat ng Gubat” hindi ko pa nababasa; yung “Alamat ng Gubat” wala akong balak basahin)

Kaparabang lumulundag bigla ang istorya sa bawat kabanata na nabasa ko; sabagay isa itong maikling kwento pero napuna ko talaga yung pagkasulat na daglian na dumaloy ang kuwento.

Tungkol sa kwento. Nakuha ko yung laman at ibig ihatid nito sa mambabasa pero di ko maiaalis na corny talaga ito. Corny kasi talaga e, kahit ilang beses ko balik-balikan yung ilang pahina, CORNY pa rin (40% corny, 15% tawang hindi nakalabas yung ngipin, 5% naguluhan, 40% satisfied = 100% kong natapos ang kwento ng isang araw).

Tungkol kay Kapitan Sino. Inilalarawan niya yung tipo ng bayani na mabilis na kinalilimutan ng tao at siya rin yung tipo ng bayaning martyr pero corny nga lang. Aking ipapaliwanag, huwag nating ikumpara ang bayaning si Gat Rizal kay Kapitan Sino base sa istorya na kinatapusan niya, kundi ikumpara natin siya sa mga karaniwang bayani tulad ng mga OFW (Halimbawa, isang totoong pangyayari – (1) Taxi driver nagsauli ng malaking kaban ng pera sa may-ari nito na sumakay sa taxi niya. Ibinalita sa dyaryo at telegrama, ano nga ba yung pangalan niya? Karaniwang reaksyon – MAPA, “MAlay ko PAke ko?” (2) OFW si Syuning di tunay na pangalan, tinatanggap niya araw-araw ang hirap sa Saudi sa pagmamalupit ng kaniyang among Arabyanong manyak. Tiniis niya ang hirap para lamang makapag-padala ng pera sa kanyang pamilya. Sa huli siya’y namatay ng walang hustisya. Batid ang kaniyang pagkamatay ng mga awtoridad sa embahada ng Pilipinas sa Saudi. Ano reaksyon ng mga kababayan nitong Pinoy matapos mabalitaan – MAPA, “Malay ko PAke ko?”. Kay Kapitan Sino, sa kwento parang MAPA rin. Siya na ang tumulong, siya pa ang na-agrabyado.

Kung ginawang komiks yung Kapitan Sino siguro hindi ko masasabing corny ito. Yung istorya kasi, “comical” at pedeng gawing “cartoon” sa T.V.

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Mga Ilang Excerpt sa Kapitan Sino

Mula sa Pahina 113 (Excerpt)
__________________________________________________

. . . napalipad nya ng ilang metro ang kalaban.
Paaagh!
Na naulit ng isa pang beses. Paaagh!
At isa pa. Paaagh!
Lasug-lasog ang katawan ng nilalang sa banyo kung saan bumulwak ang tubig galing sa malaking tubo na naputol.

__________________________________________________

^ (lasog-lasog, kaliwang kamay lang yung putol?)

__________________________________________________

__________________________________________________

Mula sa Pahina 141 (Excerpt)
__________________________________________________
. . . Sa gitna ng mga tao, isang maputing ale ang lumapit at yumuko sa harap ni Rogelio. Ang malumanay, mabait, at nirerespeto ng lahat na si Aling Chummy, biglang sinampal ang bayani.
“Pinatay mo ang asawa ko!”
. . .
“Aling Chummy, matagal nang patay si Mang Hercules.” . . .
“Bakit hindi nya pinigilan?” malakas na sigaw at matinding pagsisikip ng dibdib ang sagot ni Aling Chummy. “Wala syang ginawa para awatin sa paninigarilyo ang asawa ko?” . . . “Pinatay niya ang asawa ko!” . . . “Ano pang hinihintay nyo? Hulihin nyo ang kriminal!”

__________________________________________________

^ (at hinuli nga si Rogelio dahil dun, naiintindihan ko kung bakit ganiyan yung linya, cartoonic at “comical” kasi ang pagkakasulat sa librong ito.)

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Breaking News: Dan Brown’s New Novel and Its Released Date

I received an auto-mailer from Barnes&Noble earlier this afternoon. An e-mail alert about Dan Brown’s new novel! OMG! Yes! It is true! Dan Brown has finished his new book, “The Lost Symbol”.

The Lost Symbol is a follow-up to Dan Brown’s Best-selling novel – The Da Vinci Code.

The Da Vinci Code is a controversial book that tackles some of Christ’s anomalistic history, but all are fiction of course. It is that the resources mixed from the book Da Vinci Code which made it controversial. All resources told in the story does exist like the Da Vinci artwork Mona Lisa, and The Last Supper. The portrayal of the character and its action in the story is hypothetical and all are made fiction.

Now, for 6 long years, after The Da Vinci Code, what controversial content the new Lost Symbol could bring?

the-lost-symbol-by-dan-brown

Released Date: September 15, 2009 on U.K.

For more info, visit the following URL (original source):

@ Dan Brown’s Official Site

@ DoubleDay Publishing

Talaan-sa-Araw-araw – ika-17 ng Abril 2009, Biyernes

Ngayong araw nag-tatala ako ngayon sa aking “online public diary/journal” o sa ibang tawag – ang aking Blog, LITERANTADO.

Mahalaga ang bagong “blog-entry” na ito sa akin. Isang pam-personal na tala.

Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung bakit pa ako naapektuhan sa nakita ko, pero ang sigurado – may tusok sa puso ko kung ano man iyong nakita ko ngayong araw.

May ibang “Blog-entry” sana akong i-po-post dito ngayon na makabuluhan ngunit naudlot ito sanhi nga ng aking nakita. At gusto kong i-post ang tina-type ko ngayon dito bilang mag-silbing “backtrack” ng aking kasaysayan. Para pag-dating ng hinaharap na matanda na ako, maaari ko pang mabasa ang kasaysayan ko na tumatak sa aking damdamin (<- ang drama).

Ano ba ang nakita ko?! Tungkol lamang naman ito sa nakita ko sa “Friendster Account” ko!

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

Istorya:

Habang nababagot ngayong tag-init, nagkakalikot lang ako ng mga “Social Accounts” ko tulad ng Friendster, Facebook, atbp. Nakita ko yung dating ka-“MU” ko sa “Friends List” ng Friendster ko, yung ka-MU ko itago na lamang natin sa pangalang “Det”.

NOTE: MU – Mutual Understanding

Nalaglag ang aking puso pati laman-loob ko sa nakita ko. Nakita kong – “MAY ANAK NA SIYA?!”. Totoo pala ang ibinalita sa akin ng aking ka-tropa dati sa pamantasang pinasukan namin, naging kaklase ko doon si “Det”. Ibinalita niya sa akin noong taong 2007 lamang na buntis si “Det”. Hindi ko sineryoso ang sinabi niya dahil alam kong inis itong lalaking ‘to kay “Det”.

Nang mga nakalipas na buwan, nang taong ring iyon (around 2006-2007), nakita kong nag-Online si “Det” sa “Yahoo Messenger”. Diretsa kong kinumpirma kung buntis ba talaga siya o hindi. Tinanong niya ako kung sino ang “nag-sasabing buntis” siya, sabi ko “basta isang dati kaklase rin” tanda ko pa ang aking pagkakasabi. Sabi niya sa akin hindi siya buntis, at BUSY siya sa work (nasa opisina siya noong oras na iyon), iniwan ko na siya sa parteng iyon at hindi na nangulet pa, baka ako’y nakaka-abala na.

Hindi doon natapos ang pag-tatanong ko, dahil hindi ako kumbinsido. Nagtanong ako sa kanyang ka-opisina, na kaklase ko rin dati. Tinanong ko kung buntis nga ba siya? Wala akong natanggap kundi pag-tanggi rin niya na buntis nga si “Det”. Pati mismo sa kabarkada ko na kabarkada niya pa rin ngayon, hindi ko akalain hindi ako sinagot ng matinong “HINDI”. Bakit pa itatago sa akin, di naman na “kami” ah, tanggap ko na na mayroon na siyang ibang ka-relasyon, ka-MU ko lamang siya dati (hindi “declared” as mag-shota iyon) at . . . minahal ko siya . . . tapos na ‘yon . . . madaling natapos sa pribadong kadahilanan (hindi ninyo dapat malaman pa).

Pa-minsan-minsan, nangangamusta siya via “Yahoo Messenger” kapag naaabutan niya akong mag-Online ng mga panahong iyon, miski ngayong taon ngunit madalang siya mag-Online sa “Yahoo Messenger” kaya’t madalang rin ang kwentuhan.

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

Sino si “Det”:

*intermission*
THEME: #Maala-ala Mo Kaya# (<- lakas-trip lamang ito. ^_^ )

Taong 2006 pa nang maging . . . nang maging MU kami. Marami siyang naka-relasyon. Noong dumating ang oras na na wala na siyang karelasyon, nalapit ako sa kanya. Para siyang “magnet” na awtomatikong humuhugot ng lalaki. Tandang-tanda ko pa ang mga araw na sinasabihan ako ng mga kaklase ko, na di ko malaman kung “Devil’s Advocate” o “Angel’s Advocate” yung mga iyon – na layuan ko raw si “Det”, lolokohin lang raw niya ako. Ibang klase, babae pa manloloko sa akin?

Maganda si “Det”, kaso hindi pwede maging “kami” at hindi ko na ginusto maging “kami” kahit medyo naging “kami” dati-rati. . . (masyado ng mahaba ang entry sa blog kong ito, ayoko nang ikwento pa ang tungkol sa nakaraan.)

*intermission*
THEME: #Friend of Mine# (<- lakas-trip lamang ito. ^_^ )

Nag-daan ang panahon, nakapag-tapos kami sa maikling panahon (2-year course yung kinuha kong kurso, kaklase ko sila). Nag-kahiwalay na ng landas. Nag-palamig ng ulo. Gumustong lumimot sa nakaraan. Nag-sadya ako sa bagong pamantasan at dito na lumipat. Sila naman ay nagsipag-trabaho na miski hindi sapat ang 2-year course para ipamukha sa mga kumpanya.

Lumipas ang panahon – araw, buwan, planeta, taon. Binalak kong bumalik sa kanya sanhi nang naaalala ko pa ang itsura niyang tsinita’t puting kulay at tamang pangangatawan ng isang tipikal na dalagita. Maraming lalaki ang nag-kakandarapa sa kanya at iyon ang problema ko – ang SELOS. Mataas ang aking kapalaloan kaya’t hiniwalayan ko siya at hindi ipinaglaban ang relasyong “mamumuo” sana. Ngayon alam mo ang dahilan kung bakit kami ay hindi “kami”.

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

Ang Nakita ko sa FOTO ALBUM ni “Det” Ngayon:

  1. Isang kyut na batang sanggol (dating kuha, ngayon lamang niya in-UPLOAD, ngayon ko lamang nakita at nagulat ako)
  2. Ang asawa niyang nagmukha ng tatay
  3. Ang anak niyang 2-years old na ‘ata ngayon (ang bilis ng panahon, ngayon ko lamang nakita at nagulat ako)

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

Pag-iisip ko: Ang Hindi Katanggap-tanggap:

  1. Hindi ko matanggap kung bakit hindi niya pa inamin sa akin noong mga panahong iyon na totoong buntis siya.
  2. Hindi ko matanggap na hindi niya ako sinabihan na nanganak na siya sa kabila na nag-y-YM siya minsan at kinakamusta ako!
  3. At lalong-lalo na hindi ako sinabihan ng ibang kabarkada niya na kabarkada ko rin at minsan nakakausap ko pa sa text at YM – na buntis at nanganak na nga si “Det”!

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________
Pribadong-buhay: Hindi ko ipi-post ang kaniyang FRIENDSTER PROFILE rito, bilang respeto ito sa kaniyang pribadong buhay. Tanging mga kaibigan at dating kaibigan na maaaring makabasa nito lamang ang makaka-alam sa kung ano ang pinag-sasabi ko rito.

Nagustuhan mo ba ang theme song sa pinag-susulat ko o Naumay ka ng husto?
Mga theme-songs sa istorya! Available for download:

Maala-ala Mo Kaya by Nora Aunor

Friend of Mine by Lea Salonga

Literantado Author Goes Techie. The Birth of Otatechnorado

Hello to all fellow bloggers and to all of my fans (fans raw? Ambisyoso.).

I am introducing to you my newest blog, the Otatechnorado.

“Ota-tek-sho-cho-rara-do . . . ha? ano-ANO?!”

Yes! It’s O-Ta-Tek-No-Ra-Do. And it is my techie blog. It doesn’t mean that I am closing this blog. It is just another blog that I’ve created with another category to anticipate. Categorize to Technology.

Here’s a screenshot:

otatechnorado

Puntahan sa Pooksasapot na ito : http://otatechnorado.tk/

It is also a WordPress blog, but it is hosted by another host, meaning, it is completely modifiable and I can do a change to it without strict modification. I can embed Flash contents, do my own layouts, choose applications developed by WordPress developers around the world, etc (at WordPress.org). It is run by a WordPress engine (their PHP codes are downloadable) and WordPress.com can acknowledge it by copying your WordPress Account API (of your WordPress account if had) to your newly owned personalized WordPress.

I’m still planning to either post Tagalog or in English on my new blog, and explain why it is called Otatechnorado.

I hope you’ll also support my new blog like supporting Literantado blog.

Maghihintay ako ng mga kumento ninyo sa Otatechnorado, kung ano masasabi ninyo sa bago kong blog, ang mga unang mag-kukumento, ilalagay ko sa Blogroll ng Otatechnorado.

Salamat sa pag-tangkilik. ^_^