Subukin at Ipakita ang Obra Maestra! Ika-59 Gawad Palanca (Magpasa na!)

Anunsyo mga bloggers! Bukas na! Bukas na ang 59th Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (may 43 na araw na lamang ang nalalabi magmula ngayon, bago ang deadline of submission: April 30, 2009)

Marahil pamilyar na kayo kung ano ito, pero kung hindi pa, ituloy lamang ang pagbabasa . . .

Di mo pa ba talaga alam ang prestihiyosong patimpalak na ito? Hindi nabanggit sa Literatura/Panitikan subject mo? Puwes, basahin ang maikling deskripsiyon kung ano ang patimpalak na ito.

Ang Don Carlos Palanca Memorial Award ay isang prestihiyosong patimpalak para sa mga manunulat, baguhan man o beterano, elitista man siya o sadyang propesyunal na sa sulat-panitikan sa genre na kahit anong gusto niyang maisulat.

Sa pagkakaalam ko, ito lang ang nag-iisang patimpalak-para-sa-panulat na matanda nang nabubuhay sa Pilipinas. Hindi sa, siya lang ang gumagawad ng patimpalak sa panulat sa Pilipinas, alam kong meron pang ibang patimpalak liban sa Gawad Palanca. Yung ibang patimpalak na alam mo o ako na tinutukoy ko, yung minorya lang at patay-sindi, tulad ng maliit na patimpalak sa baranggay, mga ganoon. Eh, ang Palanca Award, IBAHIN mo ito! Bigating patimpalak ito, at talaga namang nakakasabik magpasa, may tiyansa ka kahit anong propesyon mo, kahit pa estudyante ka lang.

Kahit sino pwede sumali basta magaling sumulat, di lamang basta magaling sumulat, rapat na mapanlikha ang sulat at may bagsak sa puso ng mga mambabasa. Kaya naman, tinutulak ko kayong mga mambabasa o kapwa man bloggers ko na nakahanap nito, na subukan na ang galing dahil kaunting oras na lang ang nalalabi (ngayong sinulat ko ito), may 43 araw pa naman bago ang dealine, kaya’t mag-isip-isip na. Maraming dibisyon ang pagsasalihan sa Gawad Palanca, mayroong Maikling Kwento, Sanaysay (my peborit), Tula, Tulang Pampelikula, atbp.

Nota: Ang kategorya para sa Nobela ay sa 2011 pa ang entrada, wala para sa taon ngayon.

Miski ako ay may ambisyon lumahok at mag-pasa, kaya naman mayroon akong entry na ginagawa ngayon. Mga 3 entry. (WISH KO LANG!). Pangarap ko ito eh. Ehem, ehem, ano iniisip ninyo? Nakatingin ako sa’yo: (Mambabasa). Kung sa tingin mo ay ganitong moda ng pag-susulat ang gagamitin ko sa entry ko, ay nagkakamali ka, ‘wag mo asahan na pwede ang ganitong moda sa entry, hindi ganito ang uri na makakapagpanalo sa puso ng mga hurado duun.

Napili kong i-anunsyo sa blog ko ito para mabatid ninyo (sa mga di pa nakakaalam o napadaan lang) na may ganitong patimpalak, at para na rin magamit ninyo ang husay ninyong mag-type/sumulat sa blog ninyo. Hangarin ko lamang na magkaroon kayo ng interes sa patimpalak na ito, upang lumaganap ang husay ng Pilipino pagdating sa panitikan. Kung ‘di ninyo natatanong sa inyong mga sarili, ang Blogging ay maituturing na rin na panitikan, isang modernong sulat-panitikan, typee-panitikan pwede na rin, kasi nag-ta-type kayo eh. Kaya sali na!

Para sa buong impormasyon sa pag-lahok sa Gawad Palanca, i-klick ang logo sa ibaba:


palanca-awards-logo

At para naman sa konkretong kahulugan, pumunta na lamang sa pooksasapot na ito: Gawad Palanca

Certified for Shit-Control Act o Batas Igit-Pigil

Ika-16 ng Marso 2009, Lunes ngayong araw. Nangyari na naman ang dating nangyari.

.
.
.
Na-ta-ta . . .
.
.
Hep, hep, hep. . . Babala muna.

Babala: Ang bagong post-entry sa Literantado ngayon ay sadyang maselan at di kaaya-ayang mabasa. Sigurado naman makaka-relate ka dito kung hindi ka nagbaon ng wet-tissue, soft tissue, plastic bag, diatabs, Gatorade?, pad paper, papel de hapon o kahit anong pedeng pampunas sa wetpaks.

—————————————————————————

Ang Istorya

Kahapon, gabi, enjoy na enjoy akong lumalaklak ng Coke Zero, libre ni pinsan. Kinabukasan n’on, alas-7 ng umaga ang pasok, at hindi ako makatulog dulot ng caffeine sa Coke Zero. Hindi ako natulog, alas-4 na ng umaga ngayon araw, mag-hahanda na ako para pumasok, maaliwalas ang aking pakiramdam kahit pa hindi pa hindi ako natulog, presko kasi bagong ligo lang.

Unang klase ko, Masaya naman, may talab pa rin yung caffeine sa Coke Zero na ininom ko kagabi. Dilat pa rin mata ko, parang adik, mukhang sabog. At isa pang kasiya-siya, nagawa ko yung aktibidad sa pag-po-program ng nakakatamad na Visual Basic 6. Medyo kinalaunan, kaparabagang nauutot ako. Sige uutot lang ako, pakiilam ko ba sa katabi kong babae, e kahit maamoy nung katabi kong babae, ok lang since pinakokopya ko naman siya ng Programming Activity, wala siyan angal (kundi ‘di ko siya pakokopyahin). Sigh. Utot lang naman yun eh. . . utot lang naman . . . ssSss . . . akala ko ba utot lang? Amf@#$ medyo may laman yun ah. Tang!@, masama ‘to! Di ko alintana, napagtanaw ko kahapong gabi pala – nakalahati ko palang inumin yung 2.0 litro ng Coke Zero. Kaya pala, nasusuka ang wetpaks ko. Arrrghhh.

Gusto ko na umuwi nang mga oras na iyon, ngunit may long quiz pa mamyang alas-1:00 ng hapon. E, alas-8:00 pa lang ng umaga ngayon at nasa klase pa ako. Heto na ang tamang oras para sundin ang batas. Ang Batas Igit-Pigil o Shit-Control Act. Sabi ko sa matapang kong katauhan, KAYA KO TO!

Tumagal-tagal pa ang Batas Igit-Pigil. 10:00 na ng umaga. Ipinaalam ko na ito sa mga kabarkadang kasama ko. Suggest ng isa “mag-CR ka na dun sa 5th floor, (sa hallway ng mga Nursing Student, LPU)”, sabi ko “AYOKO, di ako sanay na TUMATAE sa ganitong establishment!”, tae, TAENG-TAE na talaga ako, parang may-washing machine sa loob ng tiyan ko, umiikot ang mga kinain ko, minsan gustong lumabas, minsan minu-minuto nawawala.

Sabi ko sa isa kong kasamang si Boy Punat, samahan mo na lang ako ng SM Manila, may bibilhin akong libro (sa katotohanan, balak ko sana dun tumae, para malamig). Punta kami, bili ako ng soft-tissue roll sa Watson (hanep sponsor), at eto ang plano, pag-umihi ako at nawala, solve na ang problema, pero kung hindi at nagmamatigas pa rin ako sa nasusukang wetpaks ko, tutuloy ko na ito sa kabila ng maraming nag-c-CR sa SM Comfort room. Umihi at nawala ang bomba sa tiyan. Sa wakas.

Balik kami ng school, mag-11 na, naki-seat-in ako sa klase nila, kasi Vacant time ko. ABA! Parang Trojan Virus pala ‘tong bombang ‘to, may schedule talaga kung kalian sasabog oh! OMG, balik BATAS IGIT-PIGIL ULET.

Sobra na ‘di ko na kaya! Gusto ko’ng ipagsigawan sa nakapaligid sa akin na na-ta-TAE talaga ako. Hindi siya masarap sa pakiramdam, seryoso!

Nag-tanong si Boy Punat kung bakit . . .

ano-ang-nararamdaman-ni-bush-sa-larawan-photo-courtesy-of-johnseilerblogscom
Photo Courtesy of johnseilerblogs.com.

. . . hitsura ko. Sabi ko nahihilo lang ako kasi ‘di ako natulog which is totoo. Nag-alibi pa ako, e alam naman niyang nata-TAE ako! Yumukob na lamang ako sa seat para di ako mag-mukang Bush. Swerte at mabait ang Propesor nila at hinayaan lang akong yumukob at mag-kunwaring tulog.

Lumipas ang oras, nakayanan ko, sa wakas, oras na ng huli kong klase, quiz time na. Tinapos ko lahat-lahat, sa kabila nang nagtatanong na mga katabi ko sa sagot sa quiz, di ko masabi ng maaayos ang mga tanong nila, aba bulgaran kopyahan ba? Sagot lang ako ng sagot ng ganito – “Nahihilo ako, nasusuka na nga e. . . (with mapungay eyes)” (DRAMA! Pero medyo totoo iyon, na-ta-TAE na talaga ako! Nahihilo na ako kakaisip kung paano ko pipigilin ito!). Shame on me! Bakit ko ba kasi pinigil ito, para akong BATA! Nag-pipigil ng TAE!

T_T

Nauna na ako mag-pasa ng papel, at nag-paalam sa Prof. ko, sabi ko na nahihilo na talaga ako (alibi). Uwi ako, bilis mag-lakad grabe, napansin iyon ng iba kong kaklase, wala na ako paki-ilam sa sasabihin ng masasalubong ko sa daan (mukha kasi ako snatcher na tumatakbo sa ninakawan, nung mga oras na iyon).

T_T

Nakasakay na ako, grabe, walang nagbago sa Taft Avenue, traffic, expected ko ‘to TRAFFIC. Umuutot ako habang umaandar yung jeep para ‘di marinig ng mga katabi ko, yung utot sabay dun sa tunog na BROOM, BROOM, BROOOM ng jeep. Kahit naman maamoy nila utot ko, di nila mapapansin since mausok at mabaho yung dinadaanang kalsada ng jeep. Kahit ano namang lugar sa gilid-gilig ng Maynila, maalingasaw, totoo naman talaga e.

Assumption ko sa mga pasahero ng jeep:

Pasehero: “Asan ba yung trak ng basura? Ba’t ang baho?”

Isang oras ang biyahe ko. Y_Y. Hanggang sa makauwi ako ganoon lamang ang siste. Pag-pasok ng bahay, direcho sa inidoro at nagpapasalamat ako at merong Shit-Control Act na imbento ko lang. IMBENTO KO LANG! Huwag na kayo maniwala dito, ako lang nakakagawa nito.

Kabisado ko kasi ang sikmura ko kaya CERTIFIED Shit-Control Being ako.

Dagdag na kaalaman

—————————————————————————

Ano ang Shit-Control Act o Batas Igit-Pigil?

Shit-Control Act

Right of a person to control the extraction of soilee excrement from his/her body. Shit-control occurs in times of sudden undesirable moment.

(isina-tagalog)

Batas Igit-pigil

Karapatan ng tao na pigilin ang pag-tae. Ang pag-pigil na ito ay nagaganap sa di inaasahang pagkakataon.

—————————————————————————

Dagdag na Panuto : Balikan ang blog-entry na ito kung na-tatae ka, kung na-tatae ka na, pigilin ito. Kapag napigil mo na, punta ka sa PC mo, at basahin ang nasusulat dito, ulit-ulit. Bakit? Para san pa? Para ma-ramdaman mo at tipong makatotohanan talaga ang mga nangyari sa blog na ito habang nagbabasa ka.

PLDT Assistant Help Desk, Call Center Call Scandal – DSL Internet Service, MURA ito! (Re-uploaded)

Ang artikulong ito ay patungkol sa PLDT Assistant Help Desk Call Scandal. Nauna pa ‘tong call scandal na ito kaysa sa previous na pin-post ko sa blog, yung recently Citibank Call Scandal.

Linawin ko lang, hindi sa akin nag-originate yang dalawang audio file na pinag-u-upload ko ngayon at nung isang araw, napulot ko rin lang ito sa kung saan-saan sa Internet at isinaayos.

Ni-re-upload ko lang para alam rin ng walang kaalaman sa kontrebersyal na audio file na ‘to yung nangyari.

Ang istorya – kumalat ito last year pa, sa YouTube na in-upload ng isa ring blogger dun sa Blogger site.

Tulad ng nasabi, kumalat itong audio file noong huling taon ng Enero 2008, dahil sa talamak ang mga nanonood sa YouTube n’on, kaya’t nahagilap kagad-agad ang kontrebersyal na audio kahit pa sa Video app ng YouTube ito naka-balandra. Para sa kapakanan ng hindi pa nakakaalam sa istorya at hindi pa nakakapakinig nito, in-upload ko ulet ito para sa inyo, at isa pa, wala ng download file sa Internet nito, sa YouTube na lang ‘ata mapapakinggan.

—————————————–

Anyways, here’s the PLDT call scandal Audio File you can download:

Mirror 1 or
Mirror 2 or
Mirror 3

—————————————–

Mas dramatic ang usapan dito, kaya download na at pakinggan kung outdated pa utak mo ukol sa kontrebersyal na audio file na ito.

Citibank – “Call Center” Scandalous Call

Nito lamang linggo ay nakarinig ako ng kagulat-gulat na audio file na na-download ko sa isang site. Isang audio file na naglalaman ng hindi kaaya-ayang salita sa bunganga ng tila SABOG na babae. Binabalak ko pa man rin mag-apply bilang “Call Center” agent, at sa di inaasahan ay natagpuan at napakinggan ko tong file sa Internet (‘nga naman oh . . .)

Para sa mga may balak mag-apply bilang Call center Agent kailangan ninyo ito pakinggan. Kapag napakinggan ninyo ang audio file sa ibaba ay mapapaurong ka sa pag-a-apply bilang Call Center Agent, o kung ano mang epektong maidudulot nito sa feelings mo, oo, “feelings”, haha.

Hindi ko in-upload ito para sa kalokohang hatid, in-upload ko ito bilang maging halimbawa sa inyo, sa kung ano talaga ang tipikal na nangyayari sa loob o yung yaong kabigla-biglang scenario na hindi mo aakalaing nangyayari talaga sa loob ng Call Center.

————————-

WARNING BEFORE DOWNLOAD: It may cause you emotional distress if having weak personality.

Download Audio File Here:

Mirror 1 or
Mirror 2 or
Mirror 3

Note: Choose any of the three mirror site if downloading is too slow or if file can’t load.

————————-

Mayroon rin akong isang napakinggan audio file na katulad nito, isang scandalous call rin, sa PLDT, kung pamilyar kayo, matagal na rin iyon. Kung di kayo pamilyar, di bale i-u-upload ko rin in the next few days.

Napakinggan mo na? Ano ang iyong masasabi? Komento ka lang po.

Ang Atake sa Katamaran

Inatake na talaga ako ng katamaran since pumasok tong 2009. Sumpa sa akin ang taon na ito. Bakit?

Unang lingo ng 2009, dinaanan ako ng matinding ubo sa ilong, halos nag-extend pa, nag-dalawang linggo pa ang itinagal bago humupa ang plemang umuuhog sa mata’t ilong ko. Dahil sa abnormal na sakit ko, hindi ako nakapasok 2 to 3 times in two weeks, hindi ko rin natupad ang pangako ko kay Pareng Sam, ipinangako ko kasi na tatapusin ko ang libro niyang “Sam’s Teach Yourself Java in 21 Days” – sinimulan ko iyon basahin since X-mas 2008 at nasa pang-5th day (5th chapter/21Chapter) pa lang ako, e kundi ba naman siya sinungaling, yung first day raw sa book niya pang-isahang araw lang raw talaga, pucha tatlong araw ang tinagal ko dun sa chapter na iyon e (sinisisi ko ba siya o sadyang mabagal lang ako magbasa?).

Hindi lamang ubo sa ilong ang dinanas ko, pati kabag at constipation, kinang-ina kasi hindi ako matae sa umaga bago ako pumasok, ang ginaw kasi sa buwan na ito, hindi ko malabas ang dapat ilabas sa tuwing magbabawas ako bago pumasok, imbes, tumatayo na lang ang <censored> – tendency na ma-constipate ka ‘pag ganun (hindi mo alam? Ipalit mo na lang ‘to sa sentence na ‘yon -> “ang balahibo ko sa ginaw”).

Isa pang kamalasan, natanggap ko yung prelim result ko matapos ang 2008, inasam ko pa naman na mga average ang score ko, e ANAK NG PATATAS, 70% ako sa Digital Design, 70% sa DBMS, 80% sa OS, Y_Y, ayoko na, wala na susunod dyan, hulaan mo na lang. Kilalang techie pa naman ako, tapos bagsak sa major subjects ko! Shame on me. PU-SHIT. (Bumaba na image ko)

Higit sa lahat, sa biglaang suntok sa buhay ko, nawatak ang kinaSASAMAhAN kong barkada, kung di ba naman saksakan ng EMO yung . . . no name names. Tsk, sabihan pa ako ng “take for granted” dun sa text (inappropriate term pa), ang SAKIT, ang LAKI pala ng utang ko, ayoko na, siraan pala ang tema sa loob ng barkadahang iyon (salamat kay SPY na nagsabi sa akin tungkol dito).

Araw-araw rin sa klase, dilat lang ang mga mata ko sa aking Propesor, nag-mumuni-muni (hindi dun sa lecture, kundi sa scandal na dina-download ko dun sa everythingscandalous.blogspot.com), tingin na ata ng aking mga kaklase, nililibog ko na si Mam Queen de Martian (mga tubol kayo, magkaka-andropost muna ako bago mangyari yun).

Resulta lahat lahat ng mga pinagsasabi ko ngayon = aloner, degrade sa image, bumaba performance sa school, bumaba ang grade, nawalan na ng ulirat, nawalan na rin ng prinsipyo, at naging TAMAD na!

Talasanggunian:

* http://everythingscandalous.blogspot.com (Nakakatamad mag-aral ng programming kaya click na lang sa site niya solve ang araw ko.)

* Pareng Sam – si Pareng Sam ang sagot mo sa pag-aaral “with deadline” sa popular niyang book-series na “Teach Yourself . . . “ – ang session niya may pang-isang lingo (7 days), may pang-limang araw, may pang-isang buwan (21 days), at may pang-bente-kwatro oras (24 hour), meron na rin ‘atang bagong session, yung pang one-night stand, special session niya, meet-to-meet, “physical session”.

* Queen de Martian – basta propesor ko siya na i-imagine mo na lang hitsura (base sa name).

* Spy – isa sa kasamahan ng dating barkada, EMO rin. (hate EMO).

BABOY!

Naniniwala ka ba na may BABOY?!

BABOY na walang sinasanto at di ka talaga sasantuhin?!

BABOY na tatapik na lamang sa likod mo na wala kang kaalam-alam, huli ka na pala sa akto.

Aktong wala ka namang ginagawa, dehins di malaman kung ano bang nagawa mong mali at bakit ka niya kinukuhanan.

Kinukuhanan ng laman. Driver’s License? Perang Lagay? Kotong ba ‘to?

Laman, “as in” LAMAN, hindi kotong, hindi pera, hindi DRIVER’s license?!

Dahil ang tinutukoy ko rito ay totoong BABOY (hindi yung pulis-bundat), kundi BABOY RAMO!

Maniwala ka man o sa hindi, nabubuhay na sila sa mundo,Kakaibang ebolusyon ng BABOY RAMO na tumitimbang ng mahigit kumulang sa isang-libong pulgada!

Baboy na walang sinasanto, umaatake, walang amo, hindi maamo.

Baboy na tatapik na lamang sa likod mo, hindi basta tapik, kundi dadaganan ka nito na parang nakikipag-wrestling.

Baboy na kinakain kahet ano, miski ika’y lalamunin at lalapain, simot to the bones.

Hindi ba kapani-paniwala ang mga pinagsasabi ko? Panoorin MO:

Komento ko – sa una’y hindi ako makapaniwalang may nag-e-exist na ganong klase ng baboy, baboy ramo sa wikang tagalong sa atin, pero nang mapanood ko ito sa respetadong channel ng DiscoveryNetwork sa YouTube, napaniwala na ako. Ayon sa eksperto (kung iyong pinanood ang iba pang related video sa Youtube tungkol sa video sa taas) nagkaroon raw ng DNA mixed between two different hogs, a type of hogs from russia and hogs from another different country di ko na alam kung ano bansa yun basta panoorin niyo na lang, click the video and try to navigate inside. At iyon nga, tinagurian ang BABOY na ‘yon na HOGZILLA.

Ang MALAKI at nakakatakot na tanong (panoorin niyo muna yung video at related video sa YouTube about Hogzilla sa taas para may thrill), paano kung mag-exist ang ganoong BABOY sa Pilipinas?! Pilipinas na katambak ang basura kahit saan, basura na kahit pa marumi ay swak pa rin sa kanilang sikmura, dahil kahit anong bagay kinakain ni HOGZILLA, basta’t yummy-nam-nam?!

O_O

Nota: Kung hindi mo mahanap ang iba mapagpapa-totoo sa video na iyong napanood, i-click lamang ang link sa ibaba, tungkol ito sa Hogzilla, panoorin:

http://www.youtube.com/watch?v=HyqYLd04RLo < – – – from National Geographic Channel YouTube

http://www.youtube.com/watch?v=rFFEjEnupZ8 < – – – Pig Bomb – Super Pigs from DiscoveryChannel Networks YouTube

http://www.youtube.com/watch?v=DzMGXwB2HA8 < – – – Pig Bomb – Pig Population Control from DiscoveryChannel Networks YouTube

http://www.youtube.com/watch?v=AlMR8WHNxaQ <- – – Pig Bomb – Unpicky Pigs from DiscoveryChannel Networks YouTube

http://www.youtube.com/watch?v=nWWD4kEH02Q < – – – Pig Bomb – Ruinous Pig from DiscoveryChannel Networks YouTube

http://www.youtube.com/watch?v=1vrSu5be8R4 < – – – Pig Bomb – Pig Epidemic from DiscoveryChannel Networks YouTube

Yu Hoana Ice Cream?

Sabado ngayon ng Enero 24, 2009. Napamura ako sa kahihiyan at na-PANGA-tawa ako ngayong araw sa nag-iisa kong klase (OSPL11C, C-235 – ang kina-aantukan kong subject).

Istorya – 15 minutes break sabi raw ni Sir, alisan ang iba, iba naman ay naiwan para mag-review (kunwari lang naman sila) sa ipapa-quiz niya sa amin pagtapos ng brief-break. Nanghingi si “black beauty” sa ‘kin ng papel para sa quiz, di ko masyadong ka-close ito pero minsan nag-uusap rin kami – DATI yun pero di na NGAYON, sa di malamang sanhi. Matapos manghingi, balik siya sa kanyang upuan, at ako balik rin sa aking pinagkakaabalahan – ang MAG-ARAL ng solo-flight para sa quiz (walang kopyahan, tangna niyo, di ako kunwaring nag-re-review katulad ninyo!).

Maya-maya pa’y napansin ko siya sa kabilang desk, nakatingin sa akin, may pabulong na sigaw – “ice cream. . . ice cream . . .”

“huh?”, aking pabulong na sagot sa kanya, sa pag-iisip ko, gusto ‘ata akong bigyan ng ice cream dahil binigyan ko siya ng papel (Babaw naman ng kaligayahan nito).

Nginitian ko siya, at bigla na lamang pumasok sa aking pakiramdam (sudden instinct) na hindi pala ako . . . punyeta . . . tumagos ang hanging galing sa kanyang binibigkas na “ICE CREAM”. Ganto pala ang pagkasabi niya “ICE CREAM? ICE CREAM?” – patanong. E putang-ina, hindi niya pala ako inaalok, nagtatanong siya sa isa niyang kaklase sa likod ko kung ice cream ba kinakain niya (obvious e), kaya pala pansin kong tagusan yung pagkakabigkas niya sa akin, sa labas (may window kasi dun sa room, likod ko ang window), “ICE CREAM? ICE CREAM?”. Bigla kong pina-iwas ang aking lingon para iwas kahihiyan na rin.

Di ko na inalintana kung may nakapansin pa ng pangyayaring iyon, e kundi ba naman kirindat ang mga mata niya e, e di hindi ako mapapahiya. PUCHA. Sabay tawa lang ako ng kaunti nun, kasi medyo nakakatawa rin, e kasi naman sa akin kasi siya nakapamaharap e. KIRINDAT TALAGA, kaya ‘kala ko talaga inaalok ako ng ICE CREAM! Sayang tomguts ako nun. Tsk, tsk, tsk.

Aral: Huwag lumingon kung hindi naman tinatawag ang pangalan mo, kahit tawagin ka ng “HOY” huwag ka pa rin lilingon, o kahit pa sulyapan ka ng magandang babae; kabastusan iyon dahil sa alipin lamang itinatawag ang ganun. Laging pakatatandaan na may pangalan ka!

Nota: Si “Black Beauty” (single ngayon) or itatago rin natin sa pangalang Yu Hoana, siya ay previous klasmeyt ko sa LPU. Di naman talaga siya maitim, morena lang (kilala ninyo naman yun di ba – para sa mga klasmeyt). Di ko maaaring sabihin ang tunay niyang pangalan bilang respeto na rin sa kaniyang pribadong buhay, at para na rin di ako mabuko sa nakakabasa kong klasmeyt.