RESPONDE – akda ni Norman Wilwayco (Literantado’s Book Review)

—————————————————————————————————

responde

—————————————————————————————————

Detalye

Pamagat ng Akda: Responde
Ang may-Akda: Norman Wilwayco
Kategorya: Katha/Liberal/Lipunan/Karahasan/Erotic
Linggwahe: Tagalog
Akma sa Edad na: 19 – pataas
Limbag: pinoyXpress
Taon Ikinalat: 2007
Presyo: 250.00 pesos
(“nabili ko” sa mag:net store, 2nd Floor, Glorietta 4, Makati City)

Ibang Bilihan: mag:net
Bookay-Ukay
Bukswagen Experiments
Popular Bookstore

————————————————————————–

responde-noblea-ni-iwa

responde-front-cover

responde-back-cover

responde-by-norman-wilwayco

————————————————————————–

————————————————————————–

Kabuuan at Dagdag na Detalye :

Ang Responde ay nobela na sinulat ni Norman Wilwayco. Ang nilalaman ng akdang ito ay sumasalamin sa wangis ng buhay sa kailaliman ng ating lipunan. Ang ilalim ng lipunan na nag-kukumahog, at sanay sa buhay-kahirapan o normal nang nabubuhay sa buhay-kahirapan. Kaya naman karaniwang sa lugar ng istorya sa Responde ay sa tipong lugar ng mahihirap. Sa pagbabasa nito, masisilayan mo ang tipikal na buhay at pamumuhay at kung paano namumuhay ang tulad ng mga kapus-palad, adik, manyak, iskul-bukol, tikolero, iskwater, iskwater punk, aktibista, komunista, at iba pang klase ng tao na matutunghayan ninyo sa librong ito.

pasintabi-at-nilalaman-ng-responde

Partikular sa nobela ay anolohiya ng ibang akda ni Norman Wilwayco, excerpts sa iba niyang akda tulad ng “Mondomanila” na nagwagi sa Gawad Palanca (2000) sa ikalawang pwesto, at “Kahon” na nagwagi naman ng unang gantimpala sa Amado Hernandez National Award for Literature (1999).

Nahahati sa 12 na istorya ang Responde, nilalaman nito ang mga sumusunod at ma-igsing deskripsiyon bawat istorya :

1. Drug War : Mala-erotika sa panulat, istorya ng dalawang lovers na adik.

2. ASIN LIVE! : Napakinggan mo na ba ang ASIN? “Bago sila, wala ako. Nasaan ako, kasama mo.” – Iwa

3. Larawan : Taong mundo ang nag-sulat nito. May matutuklasan kang bagong “Urban Legend” tungkol sa mga nawawalang litrato, kaya mag-ingat na at bumasa.

4. Dangal : Guide para wumasak ng Dangal, isang paraan na mababasa sa Responde.

5. Kung paano ko inayos ang buhok matapos ang mahaba-habang paglalakbay. – Nagwagi ng ikalawang gantimpala sa Gawad Palanca (2000); isina-libro at isina-pelikula sa titolong Mondomanila. Ang gumanap na pangunahing aktor sa Mondomanila (2004) film si Marvin Agustin.

6. Dugyot : Istorya ng BASAG na buyer at runner. (maaari ninyo itong mabasa sa blog-site ni Iwa: http://absurdrepublic.blogspot.com/2005/08/dugyot.html)

7. Imat : Kuwento ito ng nilapastang Sisa.

8. Kahon : Nagwagi ang kuwentong ito ng unang gantimpala sa Amado Hernandez National Award for Literature (1999).

9. Mga Bagay na Wala Kami : Kuwento ng pamilyang dumanas ng TRAHEDYA.

10. Pulutan : Kuwento ni Doro, the man’s bestfriend/bestfood (see People for the Ethical Treatment of Animals (PETA)).

11. Tony Love Floren : Bumaliktad at nagbago ang buhay ng isa’t-isa. Tony and Floren story.

12. Trip Kong Lumipad : Love story, with “happy ending”. Dalawang magka-vibes na lalake’t babae nagtagpo sa isang remote State University na tumatanggap ng kakaibang enrollees.

————————————————————————–

————————————————————————–

Komentaryo at Opinyon :

Sa 4. “Dangal”

Tutol ako sa deskripsyon sa Average Student sa Dangal, Responde. Lagi ko kasing binabanggit sa mga kaklaseng humahanga sa akin sa quiz, minsan pupuriin nila ako – “Ang galing mo naman sa quiz, talino mo.”, sambit ko lagi “Di naman, average student lang ako”. Mukhang nag-collide ang deskripsiyon ko sa sarili ko sa pagiging Average Student nang mabasa ko ang deskripsiyon nito sa Responde. Sa Responde kasi, tipong siraugok ang mga studyanteng average na ini-represente rito. Sa tingin ko pananaw na ng may-akda iyon.

Sa 6. “Dugyot”

Libreng basahin ang istorya na ito sa Blog-site ni Iwa sa pooksasapot na ito : http://absurdrepublic.blogspot.com/2005/08/dugyot.html

Pagkakaiba ng runner, buyer, pusher, at user (bago mo basahin ang istoryang Dugyot sa Responde) :

“Runner”

ibig sabihin, taga-takbo, taga-bili. Kung may darating na kostumer na taga-labas, yung di taga-kanila, siya at ibang tulad niyang runner ang sumasalubong sa labasan.”

– Dugyot, Responde

“Buyer” – siyempre yung uto-utong inutusang bumili ng droga.

“Pusher” – taga-tulak ng Droga, imports and exports, and follows the law of supply and demand.

“User” – adik, ikaw?

Sa 11. “Tony Love Floren” :

Naalala ko ang mga sandaling nang mabasa ko ang nakasulat sa Responde, sa parteng I. Usapang Bugoy ng Tony Love Floren. Naka-relate ako ng kaunti. Uminom kasi ako ng Baygon noong Elementarya ako, trip-trip lang dahil gusto ko mamatay ng mga araw na iyon, nakakatuwang isipin ang mga ala-alang iyon, pasalamat ako, “odd things happen”.

“Hindi pag-inom ng lason ang solusyon para iwasan ang ilang mga nakakaasar na elemento ng lipunan.”

– Iwa
Tony Love Floren
VI. Lason Part 2: Ang Kuwento ng Kawawang Notebook

————————————————————————–

————————————————————————–

Pananaw

Nakita ko sa “Responde” ang samu’t-saring “deviances” karaniwan tulad ng pre-marital sex, kahambugan, pag-gamit ng bawal na gamot at iba pang epektus na bawal rin gamitin, at iba pa.

May pagkakatalong-isip ako sa “Responde”, may may-istorya akong partikular na ayoko bagama’t hindi ko matarok kung bakit hindi “happy ending” ang isang partikular na istoryang iyon na nabasa ko. Sadya man iyon o intensyunal, siguro’y pinapakita lamang nito ang maling kabihasnan na ginagawa ng Pinoy.

Ako’y umaayon sa liberal na panulat ni Norman Wilwayco sa “Responde”, bagamat may pagka-bastos talaga, kaparabaga namang pinatotohanan ng bawat estilo ng kaniyang panulat ang eksenang marahil totoo sa pisikal na mundo.

————————————————————————–

————————————————————————–

Konklusyon

Kahit pa ang ibang istorya sa “Responde” ay may kabastusan, naihahatid naman nito ang balak nitong ipahatid sa mambabasa. Kritikal ito sa mga konserbatibong mambabasa, bagama’t matutunan naman ng mga konserbatibong ito ang katotohan sa kalapagan ng ating lipunan.

————————————————————————–

————————————————————————–

Ang May-Akda ng RESPONDE

responde-ang-may-akda

Si Norman Wilwayco ay isang kwentista, nakatira sa Quezon City, tubong bangketa, nag-aral sa bahay, nagtapos sa kalye, pinalakad na magkaligaw-ligaw ng landas at magkaroon ng maraming karanasan.

—————————————————————————————————


Otakore Literantadodist, Literantado