Hirap ng Isang Mag-aaral Tugon sa Sarap ng Kapwa Mag-aaral



Ako’y May nararamdaman
Ako Lamang ang nakadarama.
Naririto ang Bigat
Di niyo ito Mabubuhat.

Ito ang Aking Nadarama, Pero,
Ang Inyong Panrama, Nakasarado.
Di niyo Alintana ang Runong
Ng inyong Kaklaseng Marunong.

Walang Nakakaintindi sa Akin.
Walang Makaintindi sa Akin.
Hindi ninyo Danas ang Nararanasan
Ng Karanasang di ko Maparausan.

Hindi ko na Kakayanin Pa’ng Hirap.
Hirap na Hirap na ako
Sarap na Sarap naman kayo.
Hirap at Sarap di ko na matimbang.

Maramdaman ko sanang Kakayanin ko ‘to
Darating ang Panahong Mararanasan niyo rin ito!
Ang Kinahihirapan kong Taong Nagdating dito sa buhay ko,
Madama niyo rin sanang Kayanin Pagdating nito sa inyo!



Advertisements

21 Tugon

  1. maligayang pagbabalik!
    at sino ang napakabigat at nagdulot ng hirap sa iyo? heheehe seriously, namiss ka ng blogworld!

    _______________________________________________________

    Otakore Literantadodist : ^_^ patong-patong po kasi ang mga proyekto sa school. Graduating na kasi. Mahirap at pahirap talaga bago grumadweyt. Kaya hanggang ngayon gising pa ako kakaaral.

    Gising ka po pala nang ganitong oras, abala ka po siguro sa iyong patimpalak. Maganda yung rules at significance ng pa-contest niyo, sasali ako dyan!

    _______________________________________________________________

  2. ganyan talaga habang nag-aarall..mahirap

    pero sa bandang huli, masarap na lasapin ang bunga ng iyong paghihirap

    ang iyong tagumpay

  3. nako naiintindihan kita pareng otakore

    school days
    lalo na graduating

    kaya mo yan

    susuportahan ka ng hamster

    OKE?

  4. Kala mo ba ikaw lng nahihirapan…kami din naman..

    ewan ko pla sa knila kung nhihirapan sila..

    basta ako nahihirapan na din..lalo na at parang ako lng ang gumagawa sa min..
    lupit ng buhay…haaaayyyy(sigh)

    ano ng mang yayari sa kin sa future…..
    para sayo to..
    KAYA MO YAN…DAPAT KAYANIN MO>>>

    BWAHAHA

  5. sabi ko seo d ka nag iisa eh.. hmm.. wag mo nlng intindihn ung propesor mo sa subj na un.. wag mong damdamin mga sinasabi nya… ung mga ganung tao.. dapat d binibgyan ng pansin.. at nagbibidabidahan lang un.. wag ka mag alala.. d2 lang kami ng mga kabrad ko kung kailangan mo ng tulong.. wahahaha… niwiez.. chilax lang lagi.. d ako sanay ng tahimik ka.. ^_^.. ako lang ang tahimik sa grupo.. kaya bawal mangagaw… hehehe… AJA AJA FIGHTING PARA SEO !! ^_^

  6. hehe.. Mr. Otakore! salamat sa greeting at sa pagdaan. Pwede ko ba sagutin ang edad in terms of “age by heart” ? Kung pwedeh – 27 harharhar!! (sinungaling!) pagbigyan mo na – birthday naman e! 🙂

    Oo nga eh, nauubos kasi ng oras sa work — so most common problem talaga is having time to socialize. But we’ll fix it. 🙂 Salamat ulet!

    nga pala, ok ‘tong tulang ‘to ah! Estudyante Blues! hehe

  7. where na you
    dito na me

  8. @The Lady in Green Ruffles
    – Korek po kayo dyan!

    @Nakikidaan
    – Ayaw ko makinig sa isang martir na katulad mO!

    @Gerald John Santos
    – Hindi mo ‘ata naiintindihan Pare! Anong Propesor pinagsasabi mo!?

    @kuntilbutil
    – ^_^
    Siguro matutulad rin po ako sa inyo (na workaholic) dahil dikdik ako sa project sa school at lagi kong iniisip ang “project”, “project”, “project”, at “project” na hindi ko kayang pabayaan dahil ayokong magsisi sa huli.

    Nakakalimutan ko na rin makipag-socialize sa labas, hindi na rin ako sumasama sa mga gimik tuwing may nagyayaya sa akin. [-_-] sigh

    @jason
    – [-_-] dito lang me. Nakababad sa harap ng kompyuter kaka-edit ng Thesis paper, programming J2ME, web programming, programming a Queueing System (Graphical), atbp.

    “Nakakamatay ang pag-aaral.”

    Kada week lang siguro ako mag-a-Update ng blog. ^_^

  9. kaya mo yan isa kang dakilang Literantadodist!

  10. OK LANg

    sabihin mo baka may maitulong ako,,

    ano ba MS access ba gamit nyong database?
    SQL ba?
    PHP?

    PAG visual basic yan
    tawagin mo lang ako.
    OK?

    HEHE

  11. totoo yon mahirap mag-aral, Igan. pero dapat lang na kayanin mo dahil nanjan kana nasa huling baitang na at isang hakbang nalang mahahawakan mo na ang tuga ng iyong pagsusunog kilay.

  12. kung ano man yan… kaya mo yan…

  13. heheehh pareho pala tayong programer!!

  14. To all commenters: Pasensya na kung di ko na ko-comment-back yung mga blogs ninyo. Haggard na ako talaga…

    Siguro gagawa na lang ako ng time-schedule para ma-manage ko lahat ng gagawin ko, pati pag-ba-Blog.

    @jason
    – Isa kang dakilang blogger-friend. Salamat.

    ______________________________________________
    Subuking subaybayan ang iba kong pooksasapot (paminsan-minsan dito-rito ako nag-a-Update)

  15. post ka pa ng bago. siyangapala, may ipinapaabot ako sa iyong kreative blogger awards. tanggapin mo, nasa site ko. hehehe

    _______________________________________

    Otakore Literantadodist : Salamat sa parangal na ito. Gagawa rin ako nyan. Siya nga pala, di ko na matutuloy yung entry ko sa Saranggola Blog Awards. Balak ko munang abandonahin ang Literantado Blog hanggang Nobyembre.

    *sigh*

    ______________________________________________

  16. Habol lang. Magiging Cardinals ka rin na pala, ilang buwan na lang.
    Kaya mo yan.
    Ganyan talaga kapag gradweyting. ako nga noon hirap din, kala ko sasabit pa ako. Pero sabi ko sa sarili ko kaialngan mag-exert ako ng extra effort kasi magagaling mga klasmeyt ko, feeling ko nga ako ang pinaka-boplaks sa klase namin noon at kapag hindi ko gagawin ang maglaan pa ng karagdagang oras at panahon ay hindi ko makakayanang sumabay sa agos.
    Huwag kang mag-alala ang pagiging masigasig at mapanglikha ay isang katangian ng isang Cardinals.

    ___________________________________________________________

    Otakore Literantadodist : Cardinals (Mapuans po ba)? Ehem, ehem . . Linawin ko lang po – Lycean po ako, katabi lang ng institusyon ko ang mga Cardinals. Hehehe.

    _______________________________________________________

  17. anghirap talaga tol, ang hirap, disi-sais ka pa lang!

  18. musta na igan? bising busy ba?

  19. Matapos ko lamang tong semestre ko sa pinapasukan kong institusyon malaya na ang utak ko para makahugot na ideya na makapag-Blog ulit.

    Aktibo naman po ako tuwing may nag-kokomento. ^_^

    Naaawa po ako kay DonDon. Napakalupit naman ng lipunan sa bansang kinasasadlakan niya. Ang tanging maitutulong ko lang ay ikalat ang kwento.

    May FACEBOOK po ba kayo? Pa-ADD na lang po kung meron, aktibo po ako dun tuwing magbubukas ako ng kompyuter.

    http://www.facebook.com/romcortez
    ^ (tunay na identidad)

  20. salamat sa iyong pakikiisa. ok add kita sa facebook doon. ingats.

  21. nice poem po.. bagay na bgya sa mga mag aaral….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: