Ang May-akda ay Lumipat na sa Literateknolohitura

Pumunta sa bagong pooksasapot:

http://www.literateknolohitura.com/

Maraming salamat sa mga taga-subaybay.


Otakore Literantadodist

Literantado has joined the National Novel Writing Month (NaNoWriMo)

Reference Link:

NaNoWriMo 2009

FilipinoWriters

_______________________________________________

Join and prove your writing will. ^_^

Hirap ng Isang Mag-aaral Tugon sa Sarap ng Kapwa Mag-aaral



Ako’y May nararamdaman
Ako Lamang ang nakadarama.
Naririto ang Bigat
Di niyo ito Mabubuhat.

Ito ang Aking Nadarama, Pero,
Ang Inyong Panrama, Nakasarado.
Di niyo Alintana ang Runong
Ng inyong Kaklaseng Marunong.

Walang Nakakaintindi sa Akin.
Walang Makaintindi sa Akin.
Hindi ninyo Danas ang Nararanasan
Ng Karanasang di ko Maparausan.

Hindi ko na Kakayanin Pa’ng Hirap.
Hirap na Hirap na ako
Sarap na Sarap naman kayo.
Hirap at Sarap di ko na matimbang.

Maramdaman ko sanang Kakayanin ko ‘to
Darating ang Panahong Mararanasan niyo rin ito!
Ang Kinahihirapan kong Taong Nagdating dito sa buhay ko,
Madama niyo rin sanang Kayanin Pagdating nito sa inyo!



Patay muna ang Literantado

Isa itong anunsyo.

Pansamantala ko munang iiwan ang blog Literantado hanggang Hunyo 27.

Marami akong mga pinaplano, ginagawa, at mga hinaharap na gagawin pa sa buhay ngayon kaya’t pangunahing prayoridad ko munang tapusin iyon hangga’t maaari.

Para hindi mabagot ang bibisita kahit wala ang may-akda ng blog na ito, maaari po lamang na bisitahin ang Balik-Tanaw/Backtracks na pahina na makikita sa blog na ito. Duun makikita ang mga rati pang entries na malamang ay pagka-interesan mo pang basahin kaya’t bumisita ka na at pinauunlakan ko ng lubos kung magkokomento ka sa binasa mo. (^_^)

At isa pang paalala, hinihiling ko na suportahan mo ang entry ko sa LLM’s T-Shirt na pa-contest ni Mr.Otep ng Libre Lang Mangarap blog. PLEASE. Ang iyong komento sa ginawa kong entry ay magsisilbing puntos para manalo ako ng T-Shirt niya. Hehehe. (Makikita ang tinutukoy kong entry sa Left-sidebar ng pahinang ito. Duun sa larawan ng isang T-Shirt) (^_^)

NOTE SA KANIYANG PA-CONTEST: Para sa karagdagang impormasyon sa contest, pumunta lamang sa blog niya.

Marami pa sana akong entry na ipapaskil sa Literantado ngunit kailangan talaga ng oras ko ang aking pinopropesyon sa buhay. Di bale’t pagbalik ko sa Literantado ay mas magiging interesante ang mga ipapaskil ko dahil ang pagbabalik kong iyon ay ang pagba-blog ng tunay na LITERANTADO (ang magsulat/mag-type ng mga tunay-na-akdang pampanitikan – maikling kwento, tula, kaba-kabanatang nobela – na lahat ay orihinal na isusulat ko sa blog na ito). Ang mga sinabi ko ang tunay na layunin ng Literantado.

Maraming Salamat. Makaka-asang babalik ako sa Hunyo 27.

Hanggang dito na lamang.

Otakore Literantadodist

Literantado

Panloob at Panlabas na mga Pangarap – “Sana”

Panlabas na mga Pangarap (Mga Pangarap na Hindi para sa aking Sarili)

Mapipigilan ba nating lumala ang kondisyong Global Warming ng ating daigdig? Sana?
Sagot: Oo.

Magbabago ba ang karamihang opisyal ng Gobyerno (sa pangungurakot) o yung yaong tuta ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kung wala na siya? Sana?
Sagot: Oo.

Luluwag ba ang trapiko sa kamaynilaan kapag napalitan na ng matinong chair ang MMDA? Sana?
Sagot: Oo.

Yayaman pa ba ang Pilipinas sa darating na panahon? Sana?
Sagot: Oo.

Posible ba ang mga pinagsasabi ko sa taas? ^
Sagot: Sana hindi. Imposible at malabo ang positibong sagot ! ! !
(Pansinin ang tandang-padamdam sa taas na pangungusap. Nalalayo ang tandang-padamdam sa salitang ‘sagot’. ISA ITONG SIGNUS! “Sana nananakot lang ako.”)
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Paliwanag

Tanggapin na natin, imposible na ang mga solusyon sa mga nabanggit sa taas. Wala na’ng “sana”!

Mapipigilan ba ng sankatauhan ang kondisyong Global Warming? Sabihin na nating may sumisimpatya at tumutulong mapigilan ang mga epekto ng Global Warming – ang Climate Change pero malinaw sa ating mga mata na iilang tao lang ang mga nakikiisa laban dito. Sa nakikita ko huli na ang lahat para solusyunan ang problema ng ating mundo na ito kahit pa may kumikilos laban dito. Lahat ng kasalanan ay may kapalit at ito ang kapalit-na-kahihinatnan ng lahat. TOTOONG mawawala/lulubog ang mapa ng Pilipinas. Sana hinde, pero imposible ang iniisip mo kung batid mo man ang problemang ito. Tanggapin na natin, ito na ang kahihinatnan ng mga Pinoy. Isipin na lang natin kung saang bansa tayo pupulutin kung dumating na ang panahong iyon.

Korapsyon? Nakakasawa na pag-usapan ito bagama’t may lumalaban para sugpuin ito, e hindi pa rin ito nawawala kahit pa ganoon. Saludo ako sa mga taong lumalaban sa korapsyon kahit di naman talaga nauubos sa lipunan natin ‘to. At isa pa, sino ba ang mga nakikita nating tao na lumalaban sa korapsyon? Kadalasan mga pobre, at kakaunti lang ang mga mayayaman na nakikiisa laban sa korapsyon. Dahil dito, hindi na yayaman ang ating bansa laban sa mga ganid na ito. Walang baygon na makakapatay sa immuned na ipis ng Pilipinas. Katotohanan: Hindi naman talaga nawawala ang korapsyon, cultural habit na ito sa Pinas matagal na, magdiwang na kung nababawasan ito sa ating lipunan.

“Sana makarating ako sa iskul na pinapasukan ko ng bente minutos.” Trapiko sa kamaynilaan? “Shit, isa’t kalahating oras O_O Makati to Intramuros?” Hindi maso-solusyunan ang trapiko sa kamaynilaan. Ang arkitektura ng mga kalsada rito ay sadyang masikip. Kahit pa supilin ni Bayani Fernando ang mga iskwating sa gilid ng kalsada o siya man ang supilin natin – ganoon pa rin naman yung trapiko, hindi magbabago dahil sa arkitektura na komplikado pang marekonstruksyonan. Ang tanging solusyon lang dito ay gumamit ng kalesa, iwas rin sa usok na pampalala ng kondisyong Global Warming pero imposible naman iyon di ba?
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Panloob na mga Pangarap (Mga Pangarap ko at Ambisyon)

  • ”Sana” Makakuha ako ng magandang trabaho, yung gusto kong propesyon (programmer/web developer/ethical hacker).
  • ”Sana” Makompleto ko ang mga model kits na kamakailan ko lamang kinokolekta.
  • ”Sana” Makasulat ako ng mga maikling kwento at nobela sa pagdaloy ng panahon na tatahakin ko.
  • ”Sana” Makapag-patayo ng mga bahay – bahay para sa kamag-anak ko at bahay para sa akin kung saan ako lang ang titira kasama ng aking magiging asawa.
  • ”Sana” Makapag-may-ari ako ng sarili kong kompanya. Ng isang software company, publishing house, at isang panederya – mga negosyong pinag-i-interesan ko magpasahanggang ngayon.
  • ”Sana” Makapag-asawa ako ng isa babae lang, yung mamahalin ako ng buong puso at buong buhay.
  • ”Sana” Magka-anak ako ng dalawa, isang babae at isang lalake; wala ng susunod pa.
  • ”Sana” Mamamatay ako ng natural yung tipong tanggap na ng mga nagmamahal sa akin at hindi na sila iiyak, at magdadalamhati na lamang sila ng may ngiti sa mukha.
  • _________________________________________________________
    _________________________________________________________

    Malaking TANONG Mula sa Lahat-lahat sa Itaas ^ : Matutupad ko pa kaya ang mga pangarap na ito kung pangungunahan ito ng distraktikong pangarap na panlabas ko? Ang pangarap sa panloob ko may pag-asa pa ba?

    Sagot: Libre Lang Mangarap.